Angeline Quinto on Erik Santos: "Sana, kung ako ay ready na, nandiyan pa rin siya."

IMAGE Noel Orsal

Angeline Quinto, who is a breadwinner, says she can't say right now that she'll end up with Erik Santos: "Kasi siyempre, baka mas lalong maging kumplikado, lalo na't babae ako, na ako rin ang inaasahan ng pamilya ko. Ayokong magsisi sa huli na inuna ko pa yung love life ko, tapos ang dami kong iniwanan."

 


Para kay Angeline Quinto, hindi imposibleng maging sila ni Erik Santos.

Ito ay sa kabila ng patuloy na usap-usapang sila na at itinatanggi lamang nila ito.

Pahayag ni Angeline tungkol sa mga nagtatanong, “Ang sinasabi ko naman talaga sa kanila, hindi talaga kami ni Erik. Pero okey kami.

“Well, sana nga…

“Napakaganda ng pamilya ni Erik, nakapabuting tao niya. So, sana.”

Obserbasyon ng ilan, parang “love-hate” daw ang relationship nilang dalawa. Minsan okey sila, minsan hindi.

Paglilinaw naman ni Angeline, “Paano niyo nasabi?

“Hindi… kasi ang mga tao lang ang nagsasabi nun.

“Kumbaga, sa kanila nanggagaling na hindi kami okey ni Erik kapag nakitang wala kaming post together sa Instagram.

“Pero mahirap yun, kasi lahat ay ibinabase na lang sa social media, di ba?

“Hindi naman porke't magkasama kami ngayon at bukas, kailangang may post kami.

“So, paano naman kung kami lang dalawa?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angeline sa grand presscon ng pelikulang Foolish Love, na opening salvo ng Regal Entertainment Inc. ngayong 2017.

PAGDATING SA HULI... Ilang taon na rin ang pagiging malapit nina Angeline at Erik, at obvious naman daw na may pagtingin sila sa isa't isa.

Sa tingin ni Angeline, ano ang kahihinatnan ng closeness nilang dalawa?

Sagot ng 27-year-old singer-actress, “Hindi naman sa wala akong makita, yung sa amin ni Erik.

“Pero ang ipinagdarasal ko na nga lang na sana, kung ako ay ready na, nandiyan pa rin siya.

“Si Erik kasi, ready na kasi yun magkapamilya, e.

“Siguro nasa tamang edad, e, ako naman, mas bata ako sa kanya, di ba?

“So, ayoko munang pumasok sa ganung sitwasyon na ang dami ko pang kailangang unahin.

“Kasi siyempre, baka mas lalong maging kumplikado, lalo na't babae ako, na ako rin ang inaasahan ng pamilya ko.

“Ayokong magsisi sa huli na inuna ko pa yung love life ko, tapos ang dami kong iniwanan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiling ba niya na sa dulo ay silang dalawa pa rin ni Erik ang magkatuluyan?

Saad ni Angeline, “Hindi ko masabi sa ngayon, pero...

“Ayaw ko namang sabihin na ‘bahala na,’ kasi sayang.

“Sana lang ano, sana kahit ano pa man ang mangyari, maging okey pa rin kami ni Erik.”

Paano kung may makitang ibang babae si Erik, okey lang ba sa kanya? Handa ba siyang pakawalan na ito?

Sagot ng ASAP mainstay, “Hindi yun imposible.

“Ang hirap nun, pero ano ang magagawa ko?

“Siguro kakayanin ko na i-let go si Erik.

“Pero mahabang pag-uusap yun bago mangyari yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN