Miho Nishida sees Tommy Esguerra as ideal stepdad to her daughter

IMAGE Noel Orsal

The sore spot in the deepening relationship of Miho Nishida with Tommy Esguerra is miscommunication. She admits, "Hindi ako ganun ka-expert sa English. Many times hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya, na nagkakaroon ng ibang interpretation sa parte ko. Isa rin talaga yung tinututukan ko ngayon. Pinag-aaralan ko ang English."


Sa isang taong relasyon nina Miho Nishida at Tommy Esguerra, maraming bagay na rin daw silang natutunan na higit pang nagpatibay ng kanilang relasyon.

Nagsimula ang ang kanilang pagmamahalan bilang housemates sa Pinoy Big Brother 737 ng ABS-CBN nooong 2015.

Pahayag ni Miho, "One year na din kami.

"Nakilala ko siya, nakilala rin niya ako.

"Sana magka... have each other, para umangat pa kami bilang isang love team at sa aming totoong relasyon.

"Nakilala rin niya si Aimi at ang mommy ko."

Si Aimi ang anak ni Miho mula sa kanyang dating relasyon.

Si Tommy na ba talaga ang lalaking mamahalin ni Miho habambuhay?

Tugon niya, “Ayaw ko na rin siyempre yung papalit-palit ng boyfriend, tama na.

"Ayoko na rin ng ganun, kaya sana, siya na."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miho sa grand presscon ng pelikulang Foolish Love, na ginanap sa Valencia Events Place, Quezon City, noong January 12.

Ito ang kauna-unang pelikula nina Miho at Tommy bilang love team.

DADDY TOMMY. Nakikita raw ng PBB 737 grand winner na magiging mabuting stepdad si Tommy sa kanyang anak na babae.

"Kasi nga, super-mature siyang mag-isip.

"Kahit sabihin mo sa kanya na a little piece, ang dating sa kanya, sobrang malalim."

Ayon pa kay Miho, masaya naman ang kanyang anak sa kanilang relasyon.

"Kapag nakita naman niya si Tommy, ang tawag niya, 'Daddy Tommy.'

"Ganun siya. Ako naman, parang, 'Totoo ba?'

"So, parang sa akin, may konting kaba, kasi okay lang ba sa kanya [kay Tommy] na maging tatay siya?

"Siyempre, yun din ang iniisip ko, na sana okay din lang sa kanya kasi sa akin, okay."

Sa parte naman daw ni Tommy, okey lang sa kanya na tawagin siyang 'Daddy' ni Aimi.

Pero iniiwasan daw niyang lumampas sa tamang lugar para hindi isipin ng bata na siya ang totoong ama nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman kay Miho, malaking kunsiderasyon ang anak sa mga desisyon niya sa kanyang personal na buhay.

Sabi ng 24-year-old newbie actress, "Ako, kapag nagdesisyon ako, gusto ko ay kung ano ang ikasasaya ni Aimi.

"Kung saan masaya si Aimi, gusto ko yun ang pakinggan kong desisyon.

"Hindi lang ako, yung ako lang ang magiging masaya, hindi yun.

"Kung saan magiging happy ang anak ko, yun din ang ikakasaya ko."

MISCOMMUNICATION. Sa pagsasama nila ni Tommy, isa raw sa madalas na pagsimulan ng kanilang tampuhan ay miscommunication.

Sabi ni Miho, "Yun nga, kasi alam niyo naman na hindi ako ganun ka-expert sa English.

"Many times na hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya na nagkakaroon ng ibang interpretation sa parte ko.

"Pero kapag nagkapaliwanagan naman kami, naaayos din kaagad.

"Kaya ngayon, isa rin talaga yung tinututukan ko ngayon.

"Pinag-aaralan ko ang English, sa totoo lang.

"Naiintindihan naman niya ako sa parteng 'yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN