Basketball player Jeron Teng says Philippine bet Maxine Medina does not need an interpreter

IMAGE Jojo Gabinete

Basketball player Jeron Teng on Miss Universe-Philippines 2016 Maxine Medina: "As long as she's confident with what she says, I think, tayo, full support tayo dahil she's the one who represents our country, and we just have to be supportive lang."


Pamilyar ang basketball player na si Jeron Teng sa mga nangyayari sa Miss Universe 2016, na ginaganap dito sa Pilipinas, dahil sa mga napapanood daw niya sa telebisyon.

Para kay Jeron, hindi na kailangan ng Philippine bet na si Maxine Medina na gumamit ng interpreter sa 65th Miss Universe pageant.

Ito ay kahit binabatikos ang beauty queen dahil sa mga grammatical error nito sa pagsasalita ng American language.

Pahayag ng two-time UAAP champion at finals MVP, “For me, let the pageant organizers na lang let her express the way she expresses herself.

“And as long as she’s confident with what she says, I think, tayo, full support tayo dahil she’s the one who represents our country, and we just have to be supportive lang.

“For me, just let her be lang.

“Ganoon siya magsalita, e. Ganoon niya i-express ang sarili niya.

“I mean, siguro, support lang tayo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeron nang ipakilala siya bilang bagong miyembro ng Team AMA Online Education ngayong Miyerkules, January 18.

Bukas, January 19, ang debut niya bilang player ng AMA OED sa PBA D-League Aspirant’s Cup.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN