Ariella Arida recalls struggles in Miss Universe 2013

IMAGE Ariella Arida Instagram

Ariella Arida on swimsuit competition of Miss Universe 2013: "Nagwu-workout naman ako para maging fit at maging tight ang katawan ko. Pero feeling ko, kulang pa yung ginawa ko, kasi iba talaga ang katawan ng mga taga-Latin America. Idinaan ko na lang sa confidence. I went out there at ipinakita ko kung ano meron ako."


Para kay Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida, ang pinakamahirap na bahagi ng Miss Universe pageant ay ang swimsuit competition.

Inamin ni Ariella na marami siyang issues sa katawan niya kaya dun siya pinaka-kinabahan nang sumali siya sa Miss Universe 2013.

Sa Moscow, Russia, ginanap ang Miss Universe noong taong iyon.

Saad ng Wowowin co-host, sa panayam sa kanya sa GMA morning show na Unang Hirit: “Yung swimsuit competition kasi, doon na made-determine kung talagang makakapasok ka sa Top 10.

“Pare-pareho kasi kayo ng suot na swimsuit, magkakaiba lang kayo sa pagdala.

“Hindi kasi pare-pareho ang mga katawan ng mga contestant sa Miss Universe, tapos iba-iba rin kung maglakad.

“You have to give it your all sa competition. You really need to standout.”


Inamin ni Ariella na hindi kasing fit ang katawan niya kumpara sa mga kandidata mula sa Venezuela, Colombia, Brazil, at Puerto Rico.

“Kasi kapag ang mga Latina na ang rumarampa noong preliminaries pa lang, naghihiyawan na ang audience, kasi kitang-kita mo ang mga abs nila.

“Parang yun na ang pamantayan kapag nakipag-compete ka sa category na yun.”

Patuloy niya, “Malaki na kasi ang ipinagkaiba ng labanan sa swimsuit category.

“Kung noon, okey lang na medyo malaman ka, basta may shape ka at kayang mong dalhin ang swimsuit na pinapasuot.

“Ngayon kasi, especially during my time, sobrang fit ang mga kalaban mo. Pinaghandaan talaga nila nang bongga.”

Ayon pa kay Ariella, “Nagwu-workout naman ako para maging fit at maging tight ang katawan ko.

“Pero feeling ko, kulang pa yung ginawa ko, kasi iba talaga ang katawan ng mga taga-Latin America.

“Idinaan ko na lang sa confidence.

“I went out there at ipinakita ko kung ano meron ako.

“Nagdasal na lang ako na sana makaabante pa ako.”

Hindi naman nabigo si Ariella dahil umabot siya hanggang Top 5 at naging 3rd runner-up siya sa kinoronahang Miss Universe 2013 na si Gabriela Isler ng Venezuela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NATIONAL COSTUME. Natutuwa rin si Ariella na Pinoy designers na ang gumagawa ng national costume ng kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe.

Nagsimula ito kay Pia Alonzo-Wurtzbach noong 2015.

A year before, binash ng netizens ang suot na national costume ni Mary Jean “MJ” Lastimosa noong Miss Universe 2014.

Gawa ito ng Colombian designer na si Alfredo Barraza, kaibigan at kababayan ng chairman ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. na si Stella Marquez-Araneta.



Kuwento ni Ariella, “Yung isinuot kong national costume, yung Colombian designer na si Alfredo Barraza din ang gumawa.

“Hindi ko nakita yung national costume na yun until I arrived in Moscow.

“They just took my measurements at wala akong clue kung ano ang hitsura niya.

“Okey naman yung ginawa niya. It was a terno na white and silver na may headdress.

“Nahirapan pa nga akong ayusin yung headdress. Tinulungan pa ako ni Miss Switzerland na ayusin yun sa ulo ko.

“Natuwa naman ako kasi, inuna pa niya akong ayusan kesa sa sarili niya!”


Importante rin daw ang national costume dahil dito makikita kung anong kultura mayroon ang bawat bansa.

Saad ni Ariella, “Yung Parade of Nations, hindi siya live na kinukunan.

“It’s shot a day before the pageant.

“Yung sa amin sa Russia, it was shot in a mall.

“Hindi kayang i-live yung portion na yun kasi nga time-consuming siya.

“Unlike my costume, yung iba talaga ang lalaki ng headdress, maraming silang suot na accessories, tapos yung make-up and hairstyle pa.

“Simple ang sa akin kung tutuusin. Yung sa iba, it will take lots of time para isuot at tanggalin.

“Pero during the preliminaries, kailangan dalhin mo nang maayos ang national costume na suot mo.

“Like, sa akin, terno siya, kailangan ilakad mo siya na na may grace—yung Pinay na Pinay ka.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Pinoy designer na si Rhett Eala ang gagawa ng national costume ng Philippine representative sa Miss Universe 2016 na si Maxine Medina.

Ayaw pang i-reveal ni Rhett ang itsura ng isusuot ni Maxine na national costume. Pero ang headdress daw ay puno ng pearls at gawa ito ng Jewelmer.  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN