GMA Supershow co-hosts Dawn Zulueta, Lani Mercado, and Gretchen Barretto "reunite" at Miss U event

IMAGE Instagram (@dawnzulueta, @gretchenbarretto)

Three original co-hosts of the now-defunct GMA-7 variety show GMA Supershow were spotted at the Miss Universe 2016 Governor's Ball: (L-R) Dawn Zulueta, Lani Mercado, and Gretchen Barretto. 


Nagkita sina Dawn Zulueta at Lani Mercado sa Miss Universe 2016 Governor’s Ball na ginanap sa SMX Convention Center, Pasay City, noong Lunes, January 16.

Ipinost pa ni Dawn sa Instagram ang pagkikita nila ng kanyang “sister” sa nasabing fundraising event, na dinaluhan ng Miss Universe 2016 candidates, mga kilalang artista at personalidad.

Sa caption ng kanyang post, ipinaliwanag ni Dawn na naging "kapatid" niya si Lani dahil nagkasama sila sa GMA Supershow, ang dating Sunday variety show ng yumaong si German "Kuya Germs" Moreno sa GMA Network.

Naka-tag pa ang iba pa nilang co-hosts sa programa, na sina Maricel Laxa, Rachel Anne Wolfe, Arlene Muhlach, at Jackie Lou Blanco.

Nanawagan din si Dawn sa kanyang mga dating co-host na magkaroon sila ng reunion.

Caption ni Dawn: “Delightful running into @lanirevilla, my 'sistah' under the wings of our late 'father' Kuya #GermanMoreno

“Shout-out to @rachelannewolfe @arlenemuhlach @jackielou.blanco @mommymaricel et al -- We need a reunion soon.”

Sumagot naman sa comments section sina Maricel, Rachelle Anne, at Jackie Lou.



Incidentally, dumalo rin sa Miss Universe 2016 Governor's Ball ang isa pang original co-host ng GMA Supershow na si Gretchen Barretto.

Nagpunta si Gretchen sa event kasama ang kanyang partner, ang business tycoon na si Tonyboy Cojuangco, at mga non-showbiz friends.

Ms. Universe Governors Ball ????????

A photo posted by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

Parehong nag-post sina Dawn at Gretchen ng kani-kanilang photos at videos kasama ang ilang Miss Universe candidates.

Ngunit hindi nabanggit ng dalawang aktres kung nagkita rin sila sa event.

Hindi rin malinaw kung magkaibigan na uli ang dalawa sa pinakamagandang showbiz stars ng bansa.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang dalawa ilang taon na ang nakakaraan nang sila'y magkasama bilang celebrity endorsers sa isang product shoot.

Bukod kina Dawn, Gretchen, Lani, Maricel, Rachel Anne, at Jackie Lou, kabilang pa sa mga naging co-hosts ng GMA Supershow ay sina Jean Garcia, Mariz, at Sharon Cuneta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN