Aiza Seguerra and Senator Tito Sotto clash over condom distribution

IMAGE Noel Orsal

National Youth Commission Chairman Aiza Seguerra (right) to Senator Tito Sotto (left): "Would you rather people keep dying of HIV/AIDS as long as hindi na ooffend ang sensibilities ninyo? Now, sino ang nag-i-impose ng beliefs sa nakararami?"


Inalmahan ni National Youth Commission Chair Aiza Seguerra ang pagtutol ni Senator Tito Sotto sa plano ng health department na mamigay ng condoms sa high-school students.

Kaugnay ito ng nabalitang mainit na sagutan sa pagitan ni Senator Sotto at Department of Health Secretary Paulyn Ubial sa Senado kahapon, January 18.

Isinusulong ni Ubial ang planong pamimigay ng artificial contraceptives sa mga paaralan bilang solusyon sa mga kasong unwanted pregnancy at pagkalat ng sexually-transmitted diseases sa mga kabataan.

Ayon naman sa senador, mas dapat paigtingin ang reproductive health education, counselling, at information campaign.

Sa kanyang Facebook post kahapon, January 18, ito ang buwelta ni Aiza sa posisyon ni Sotto hinggil sa pamimigay ng condom sa kabataan:

“Mabilis na pagtaas ng HIV/AIDS lalo na sa kabataan, laganap na teenage pregnancy at patuloy na pagtaas ng populasyon ang nagiging sanhi kung kaya't marami sa ating mga kababayan ang naghihirap at hindi nakaka access ng dekalidad na serbisyo ng gobyerno.

“Hindi po ito haka-haka, Mr. Senator. These are facts. Based on science and research.”

AIZA'S MESSAGE TO SENATOR SOTTO. Kinontra rin ni Aiza ang pahayag ni Sotto na dapat isaalang-alang ng DOH ang “conservative culture” ng bansa sa pagpapatupad ng mga probisyon ng RH Law.

Patuloy ng NYC chairman, “Bilang gobyerno, responsibilidad natin na pangalagaan at protektahan ang ating constituents.

“Matagal ng ipinagpaliban ang pagpapatupad ng RH dahil sa ‘beliefs’ ninyo and look where it has brought us.

“You say ‘it's insensitive to dismiss the sentiment of a conservative culture just because they failed to implement effective health programs.’

“We have an epidemic here, A YOUTH EPIDEMIC.

“It is precisely because of this ‘sentiment of a conservative culture’ kaya lalong pataas nang pataas ang HIV.”

Apela ni Aiza, panahon na upang mamulat ang taong-bayan sa positibong maidudulot ng tamang paggamit ng artificial contraceptives.

“Dahil sa conservative culture na ito kaya kahit obligasyon ng mga magulang at guro na turuan ang kanilang mga anak at estudyante tungkol sa Sex Education, hindi nila ito ginagawa kasi ‘taboo’.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil sa conservative culture na ito, the Filipino people were denied of RH services for the longest time.

“Damage has been brought upon our people by this conservative culture because it makes us decide based on beliefs at hindi hard evidence.

“Would you rather people keep dying of HIV/AIDS as long as hindi na ooffend ang sensibilities ninyo?

“Now, sino ang nag iimpose ng beliefs sa nakararami?”

Si Aiza ay nagsimula sa showbiz sa pamamagitan ng noontime show na Eat Bulaga!, kung saan isa sa pangunahing hosts si Senator Sotto.

UNFAZED SENATOR SOTTO. Sa hiwalay na ulat ng GMA News Online ngayong araw, January 19, nakasaad na hindi raw apektado si Sotto sa pagkontra ni Aiza sa kanyang posisyon hinggil sa RH Law.

Ginamit pa ng senador ang utang-na-loob card.

Patutsada ng senador, "Baka nakalimutan na niya kung saan siya galing siguro. Mas nanaig sa kanya yun pagka bagitong politiko.”

Dagdag ng TV host-politician, hindi rin daw garantisadong makakatulong sa pag-iwas ng STD ang paggamit ng artificial contraceptives.

Sabi pa nito, “Besides, for their information, the HIV virus is smaller than the pores of condoms which can only prevent pregnancy. Scientifically proven.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN