Gloria Diaz says Maxine Medina winning Miss Universe "not politically correct"

IMAGE ABS-CBN News (Gloria)/Instagram (Maxine)

Gloria Diaz (left) on why Maxine Medina (right) would not likely win Miss Universe: "E, di magwawala lahat ng candidates and also their countries, their ambassadors? And they would all think that we are unfair." 


Nagpaliwanag si Miss Universe 1969 Gloria Diaz tungkol sa kanyang naunang pahayag na “one in million” ang tsansang manalo ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2016 na si Maxine Medina.

Nilinaw ng dating beauty queen na hindi niya sinasabing hindi deserving si Maxine na manalo.

Pahayag ni Gloria sa panayam sa kanya ni Marie Lozano ng ABS-CBN, "We’re the host. Parang can you imagine if we make our representative win?

"E, di magwawala lahat ng candidates and also their countries, their ambassadors?

"And they would all think that we are unfair.

"Even if our candidate deserves it, it will be a shock. It will be a one-in-a-million chance…

"Tayong mga Filipinos, the last thing we should hope for is for our own candidate to win.”

Idinagdag pa ni Gloria na nakikita niyang maaaring maging first runner-up si Maxine.

“I believe she can be first runner-up, pero mahirap naman [kung mag-Miss Universe], parang hometown decision.

"It’s parang biased, ano?" aniya.

AN INTERPRETER FOR MAXINE. Hindi rin lingid sa kaalaman ng kauna-unahang Pinay Miss Universe na marami ang kumukuwestiyon sa kakayanan ni Maxine na ipahayag ang sarili sa wikang Ingles.

Pero ang payo nito sa kandidata ng Pilipinas: “All those bashers, they don’t count. Hindi naman sila ang naka-expose doon, e.”

Nagagandahan daw ang veteran actress kay Maxine at hindi mahalaga kung anong lengguwahe ang kaya nitong gamitin.

“This is not naman a Miss Whiz or something like that. This is not a brain contest.

“Super-ganda [niya]. I love her. She could be my daughter.”

Dagdag pa ng former Miss Universe, kailangang maging “realistic” ang mga Pilipino sa kanilang expectations.

“It will not be politically correct kung siya pa ang manalo sa ating country.

"Kaya, in my opinion, kung ako ang Miss Philippines, I will not be hoping for myself to win here."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinaninindigan din ni Gloria ang nauna niyang pahayag na kumuha si Maxine ng interpreter upang makatulong sa kanya pagdating sa question-and-answer portion.

“Insist! Recommend is a mild word.

"I’ve been saying this for more than ten years, even in Binibining Pilipinas… Mag-Tagalog ka. Who’s gonna stop you?

"You can even ask the question paulit-ulit to give you a little more time. It will give her time to think in Tagalog.

“During my time… it’s a must to always speak in English. Pero ngayon, hindi na ganoon.

"We love our country, we love our language.

"You should speak in whatever language you’re comfortable with."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN