Matteo Guidicelli on being spotted dating girlfriend Sarah Geronimo: "It's a blessing."

"It's very nice to see people inspired, liking, and loving the relationship I have with my girlfriend," says Matteo Guidicelli about people posting his photos with Sarah Geronimo when the couple are spotted dating.


“It's a blessing if we make other people happy.”

Ito ang pahayag ni Matteo Guidicelli sa madalas na pagkakakita sa kanila ng girlfriend niyang si Sarah Geronimo habang nagdi-date.

Kadalasan ay nagiging viral sa social media ang mga larawan nila kapag lumalabas silang magkasama.

Pahayag ni Matteo tungkol dito, “You know, that's given.

“I treat it and I try to ingest it, as a motivation, as inspiration talaga.

“It's very nice to see people inspired, liking, and loving the relationship I have with my girlfriend. That's nice.

“So, when I see that people are happy, it make Sarah and I even more happy.”

Kahapon, January 18, ay naging viral na naman ang private time ng dalawa nang mamataan sila ng ilang fans sa Greenbelt, Makati City.

Tila hindi naman tutol ang magkasintahan sa mga ganitong klaseng posts dahil nakapaghahatid daw ito ng positive vibes sa mga nakakakita.

Sabi ni Matteo, “You know, to spread good vibes is very, very important.

“And it's a blessing if we make other people happy.

“Basta kung good vibes, masaya ang lahat, e, di maayos.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matteo pagkatapos ng shoot niya para sa PEPtalk kahapon.

Ito ay bilang bahagi ng promotion ng kanyang pelikulang Across the Crescent Moon, na ipalalabas sa sinehan sa January 25.

ASHLLOYD MOVIE. Samantala, pilit pa ring inihihiwalay nina Matteo at Sarah ang kanilang relasyon sa kani-kanilang trabaho.

Sa katunayan, ngayon ay abala si Matteo para i-promote ang pelikula niyang Across the Crescent Moon.

Si Sarah naman ay magiging abala sa muling pagtatambal nila ni John Lloyd Cruz sa pelikula.

Sa press conference ng Across the Crescent Moon kamakailan, napag-usapan ang intimate scene ni Matteo at ng co-star at dating ex-girlfriend na si Alex Godinez.

Tiniyak ni Matteo na hindi ito naging isyu sa kanila ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong ng PEP kay Matteo: Paano kung sina Sarah at John Lloyd naman ang magkaroon ng intimate scene sa pelikula nilang Dear Future Husband?

Sagot ng actor-singer, “It's up to her, you know.

"It's a job, at the end of the day.

“It's her decision in what she does in her own job. Alam mo yun, we always treat it professionally.

“In showbiz kasi, it's very easy to entangle personal and work because it's us, we're the product, so it's very easy to entangle it.

“She can do whatever she wants, basta may respect always.”

Diin pa ni Matteo, “Masaya ako para sa kanya.

“Whatever she does, it makes her, as an artist, grow, and herself to be fulfilled.

“She can do anything she wants.”

Inamin din ni Matteo na fan siya ng tambalang Sarah at John Lloyd.

“Kilig nga ako sa kanila, e, when I watched their film.

“When I used to learn Tagalog before, I used to watch their movies.

"Kasi hindi ako marunong mag-Tagalog dati.

“So, yun ang homework ko dati. Bumili ako ng mga DVD at yun yung pinapanood ko.”

Nagkasama sina Sarah at John Lloyd sa mga hit movies na A Very Special Love (2008), You Changed My Life (2009), at It Takes a Man and a Woman (2013).

Nagkasama naman ni Matteo si Sarah sa pelikulang Catch Me I'm In Love (2011), na pinagbidahan nina Sarah at Gerald Anderson.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN