Renz Valerio explains his stop-and-go courtship of Lindsay de Vera

IMAGE Noel Orsal

Renz Valerio hopes Lindsay de Vera will wait for him. "Sana ay wala muna siyang sagutin kasi gusto kong ituloy ang panliligaw sa kanya… na kay Lindsay na po ang lahat," he says.

 


Naging malihim noong una ang Kapuso teen actor na si Renz Valerio sa balitang nililigawan niya ang Kapuso teen actress na si Lindsay de Vera.

Gusto raw sana niyang maging secret muna ang lahat.

Pero tumigil pansamantala si Renz sa kanyang panliligaw kay Lindsay dahil kapwa sila naging busy.

“Medyo pareho po kaming busy ngayon,” ayon sa dating child actor nang makapanayam namin kamakailan sa set ng Hahamakin Ang Lahat ng GMA-7 sa Sta. Mesa, Manila.

“Meron po siyang Alyas Robin Hood, meron naman po akong Hahamakin Ang Lahat.

“Parang naputol din po ang communication namin dahil nga po sa trabaho.

“May time na parati kaming nagkakausap, ngayon bihira na po.

“Nauunawaan ko naman po dahil busy rin po si Lindsay sa work.

“Pinagsabihan na rin ako na mag-concentrate muna ako sa work at school, tigilan ko raw muna ang panliligaw.

“Kapag naging libre na ulit ang oras namin, ituloy ko po ang panliligaw kay Lindsay.

“Kasi nasimulan ko na, ayokong basta na lang itigil iyon.”

Back before Alyas Robin Hood presscon. ? Hair by @mykfeliciano Make up by @kayer_08 ? #pudding26 18:06

A photo posted by Lindt De Vera Johnston???? (@lindtjohnston) on



DREAM GIRLFRIEND. Kuwento pa ni Renz na matagal na raw silang magkaibigan ni Lindsay.

Nagsimula silang maging close friends noong may gawin silang TV commercial na magkasama.

Hanggang sa pareho na silang naging artista sa GMA-7 ay nanatili pa rin ang special friendship nila.

“Actually po, mas unang naging magkaibigan ang mga mommies namin.

“Hanggang ngayon, ang mommy ko at mommy ni Lindsay ay may communication sa isa’t isa.

“Kaya wala akong problema sa mommy ni Lindsay kasi okey ang families namin sa isa’t isa.”

Hindi naman daw pipigilan ni Renz si Lindsay na maligawan ito ng ibang lalake.

“May nababalitaan na po ako na may gustong pormahan si Lindsay.

“Maganda at mabait po kasi si Lindsay, kaya imposibleng walang magkagusto sa kanya at ligawan siya.

“Kumbaga, dream girlfriend talaga si Lindsay.

“Pero siyempre, sana ay wala muna siyang sagutin kasi gusto kong ituloy ang panliligaw sa kanya.

“Para sa akin po, na kay Lindsay na po ang lahat,” pagtapos pa ni Renz Valerio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN