Pia Wurtzbach teases boyfriend Marlon Stockinger on Twitter

IMAGE Twitter (@indyvee) and Instagram @piawurtzbach

Reigning Miss Universe Pia Alonzo-Wurtzbach teases race-car boyfriend Marlon Stockinger on Twitter. Find out Marlon's sweet response. 


Game na nagkulitan sa social media ang hot couple na sina Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach at car racer Marlon Stockinger.

Ngayong Biyernes, January 20, nag-post si Pia ng meme kung saan makikita sila ni former Ilocos Sur Gov. Chavit Singson na nasa loob ng isang chartered plane.

Ito ang nakasulat na caption sa meme: “Panis ang car guy sa private jet guy.”

Kuha ang nasabing larawan nang lumipad sina Pia patungong Cebu para sa swimwear fashion show ng Miss Universe 2016 candidates noong January 17.

Si Singson ang may-ari ng naturang private plane.

Ni-retweet ni Pia ang meme at tinag pa ang car-racer boyfriend: “Sorry @imstockinger si gov parin.”

Tila hindi naman nagpatalo si Marlon kay Pia sa kanyang sagot: "But I won you though."

Inamin ni Pia ang relasyon nila ni Marlon sa isang panayam noong Lunes, January 16.

Bago ang kanilang pag-amin, umugong na may namamagitan na nga sa kanila nang magbakasyon sila sa Honolulu, Hawaii, noong Christmas season.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN