Sushmita Sen "returning home" to Manila as judge at Miss Universe 2016

IMAGE Courtesy of @sushmitasen47 on Instagram

Miss Universe 1994 Sushmita Sen will return to Manila on January 30 to judge the beauty pageant.


Kinumpirma ng Indian actress/former Miss Universe titleholder na si Sushmita Sen na siya ay muling magbabalik sa Pilipinas matapos ng 23 taon.

Taong 1994 nang ipinasa ni Dayanara Torres, ang Puerto Rican beauty queen, ang Miss Universe title kay Sushmita.

Noon ay ginanap sa Pilipinas ang pamosong pageant sa ikalawang pagkakataon.

Sa Instagram post ni Sushmita ngayong araw, January 21, ipinahayag nito ang pagkasabik na maging Miss Universe judge sa bansang itinuturing na rin daw nitong pangalawang tahanan.

Ang buong caption ng kanyang post: "Getting ready with a dancing heart!!!!! I am soooooooo excited, emotional and looking forward to returning home to the #Philippines after #23years

"it's where it all began #manila1994 #missuniverse1994 life comes a full circle, from winning Miss Universe, to having owned its Indian Franchise to now...returning back to #Manila this time as a #judge at the 65th Miss Universe pageant!!!

"to all my #filipino friends who have been graciously asking...I can now confirm...yesssssss!!!! I am coming!!! Mahal Kita Philippines see u sooooooon!!!!!"

Samantala, bukod kay Sushmita ay kumpirmado na ring darating si Miss USA 2015 Olivia Jordan.

Sa Instagram din kinumpirma ni Olivia ang balita, at sinabing excited na rin itong mapanood ang pageant sa bansa.

Sulat nito: "GUESS WHO IS COMING TO THE PHILIPPINES???????????????? Cant wait to see you all at Miss Universe! So grateful to @pldthome for making this possible!!???????? #pldtMissU #pldthome #missuniverse #dreamcometrue"

Si Olivia ay ang 2nd runner up ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na naging roommate pa nito sa New York City ng ilang buwan.

Unang beses ni Olivia sa bansa noong April 2015 bilang judge sa Binibining Pilipinas 2016.

Sa January 30 gaganapin ang grand coronation night ng Miss Universe 2016 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa January 26 naman nakatakdang ganapin ang preliminary rounds ng pageant.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN