Maxine Medina still considering interpreter for pageant finals

IMAGE Jojo Gabinete

Miss Philippines Maxine Medina is still considering the possibility of hiring an interpreter for the 65th Miss Universe coronation night to be held on January 30 at the Mall of Asia Arena: "Well, wala pa akong nakukuha na news about doon, pero siyempre, kinu-consider ko rin."


Ang PLDT ang isa sa mga presentors ng 65th Miss Universe kaya nagkaroon sila kahapon ng meet-and-greet para sa mga kandidata ng Miss Universe at ginanap ito sa SMX Convention Center.

Kasama sa meet-and-greet ang Philippine bet na si Maxine Medina na nagagawa pa ring mag-workout, sa kabila ng maraming activities ng mga kandidata ng 65th Miss Universe.

“Nagdyi-gym ako sa loob ng room.

“As much as possible, kapag may time, like this, kumakain talaga ako ng rice kasi kailangan ng energy especially now, may rehearsals na kami.

“I need to be energetic all the time.

“Kapag may activity kami within the day, as much as possible, I would start mg routine like working out then nagbabasa ako, nagpe-pray ako.

“Bawal ang mga bisita sa loob ng hotel room pero puwede kaming gumamit ng cellphone,” kuwento ni Maxine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa mga paghahanda niya para sa grand coronation night na magaganap sa January 30 sa Mall of Asia Arena.

WILL MAXINE HIRE AN INTERPRETER? Nang tanungin ng PEP tungkol sa isyu ng paggamit niya ng interpreter sa question and answer ng Miss Universe, sabi ni Maxine, “Well, wala pa akong nakukuha na news about doon, pero siyempre, kinu-consider ko rin.”

GLORIA DIAZ'S FORECAST. Nadagdagan ang kontrobersya tungkol sa paggamit ni Maxine ng interpreter dahil sa pahayag ng 1969 Miss Universe Gloria Diaz na “one in a million” daw ang tsansa niya na manalo sa beauty pageant na sasalihan.

Para kay Maxine, misunderstood lamang si Gloria sa sinabi nito na “We’re the host.

“Parang can you imagine if we make our representative win?

“E, di magwawala lahat ng candidates and also their countries, their ambassadors. And they would all think that we are unfair.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN