Kylie Padilla embroiled in pregnancy rumors

IMAGE Courtesy: Aljur Abrenica

Maugong na pinag-uusapan ngayon sa loob at labas ng showbiz ang pagbubuntis diumano ng isang sikat na young actress. Ito raw ang dahilan kaya papatayin na ang kanyang karakter sa isang sikat na primetime series. Base sa mga clues, tila ang tinutukoy sa blind-item report na ito ay si Kylie Padilla, girlfriend ng aktor na si Aljur Abrenica.


Buntis ba ang Kapuso actress na si Kylie Padilla?

Ito ang tanong ng maraming netizens pagkatapos lumabas ang ilang blind items na tila tumutukoy sa Kapuso actress.

Ayon sa mga blind item na nagsilabasan, isa diumanong primetime star ng isang TV network ang nabuntis ng nakabalikang boyfriend.

Agad na lumutang ang pangalan ni Kylie, 23, na noong Setyembre 2016 lamang ay nakumpirmang nakabalikan ang Kapuso actor na si Aljur Abrenica, 26.

Read: PEP EXCLUSIVE. Aljur Abrenica confirms rekindled relationship with Kylie Padilla

TIP FROM A SOURCE. Noong January 9, Lunes, nakatanggap ng tawag ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang showbiz insider.

Itinimbre nito sa amin na sa mga susunod na araw ay posible raw may pumutok na malaking balita na may kinalaman kay Kylie.

Ito ay base raw sa mga sumusunod na "clues":

Una, noong December 28, 2016 ay nag-post si Kylie sa kanyang Instagram account ng isang cryptic message:

So kilig with this twitter page ??

A photo posted by bulldog (@kylienicolepadilla) on

Pangalawa, may nakakita raw sa Encantadia star na dumalaw sa isang OB-Gyne clinic.

Pangatlo, kung susuriin daw mabuti ang latest episodes ng Encantadia, kapansin-pansing pinaluwag na ang mga costume ni Kylie bilang Reyna Amihan.

Dahil sa mga clue na ibinigay ng aming impormante, minabuti ng writer na ito na tanungin mismo si Aljur tungkol sa mga nasagap naming impormasyon.

January 10, Martes, nagpadala kami ng tanong sa aktor sa pamamagitan ng text messaging.

Dalawang beses naming ipinadala ang nasabing text, ngunit hindi siya sumagot.

Kinabukasan, January 11, dalawang beses ulit kaming nag-text. Wala rin kaming nakuhang sagot.

January 12 at 13, nagpadala kami ng panibagong text message kay Aljur, ngunit wala pa rin kaming natanggap na kasagutan.

BLIND ITEMS. Pagkatapos ng ilang araw, nagsilabasan na sa tabloids at gossip websites ang tungkol sa isang aktres na nabuntis diumano ng kanyang boyfriend.

Pati sa Facebook at Twitter ay may blind items na rin tungkol dito.

Kinagabihan, naging laman din ng usapan sa isang radio program ang tungkol sa isang sikat na young actress na nasa "interesting stage" daw ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din sa programa kung ano ba ang magiging reaksiyon ng ama ng young actress kapag nalaman nito ang balita.

Ayon pa sa isa sa mga hosts ng show, kabilang ang aktres sa isang show na umeere ngayon sa telebisyon.

Kung mawawala raw ang karakter nito sa show, iyon daw ang pagpapatunay na totoo ngang nasa maselang kalagayan ito.

Sa episode ng GMA primetime series na Encantadia bukas, January 23, inaasahan ng maraming Encantadiks—tawag sa fanatics ng show—na isa sa mga Sang’gre ang mamamatay.

Hula ng marami, ito ay si Reyna Amihan—ang karakter na ginagampanan ni Kylie.

Ang nakatakdang pagkamatay ng isa sa mga Sang'gre ay nasa teaser din ng Facebook account ng writer ng Encantadia na si Suzette Doctolero at sa Instagram ng direktor ng show na si Mark Reyes.

Sino kaya sa kanila ang magpapa-alam na? #andthentherewere3 #encantadia #darknessishere

A photo posted by Mark Reyes (@direkmark) on

Si Kylie ay anak ng aktor na si Robin Padilla.

#HUWAGSIAMIHAN. Samantala, trending naman sa Twitter ang hashtag na #HuwagSiAmihan ngayong Linggo, Jan. 22.

Hinuhulaan ng netizens na mamamatay ang karakter ni Reyna Amihan sa labanang magaganap sa Lireo, isa sa mga kaharian sa Encantadia.



Ngunit tila may isang naligaw na netizen, kung saan diretso nitong ginamit ang hashtag na "#BuntisSiAmihan."

May patama pa ito na nabuntis daw si Amihan ng "taong kahoy."

Minsan naging popular ang pagganap ni Aljur bilang Machete, isang estatwang kahoy na nagiging tao, sa primetime series noon ng GMA Network na may ganun ding pamagat.


A photo posted by bulldog (@kylienicolepadilla) on

KYLIE'S MANAGER. Ngayong araw, January 22, ay kinuha ng PEP ang panig ng talent manager ni Kylie na si Betchay Vidanes kaugnay ng balitang buntis diumano ang Kapuso actress.

Ito ang nakuha naming sagot mula kay Betchay: “Kapatid, we haven’t spoken yet. Siya ba yung nakita? Natural naman lahat ng babae nag-OB for annual check up.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humingi na rin ang PEP ng statement sa Drama department ng GMA-7, na siyang namamahala sa Encantadia, sa pamamagitan ng Corporate Communications ng Kapuso network.

Kaagad naming ilalathala ang anumang sagot na makukuha namin mula sa kanila.

Mananatili ring bukas ang PEP sa panig nina Kylie at Aljur tungkol sa balitang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN