Albie Casiño reconciles with non-showbiz girlfriend

IMAGE Carl Ibale/Instagram photo of Michelle Arceo

Albie Casiño was photographed kissing non-showbiz girlfriend Michelle Arceo, just a month after the actor admitted their breakup.


Mukhang nagkabalikan na si Albie Casino at ang non-showbiz girlfriend niyang si Michelle Arceo.

Ito ay kung pagbabasehan ang Instagram post ni Michelle noong Sabado, January 21.

Makikita sa larawan habang naghahalikan sina Albie at Michelle.

Ang larawan ay kuha sa Revel at the Palace sa Bonifacio Global City, Taguig.

Walang anumang caption na inilagay ang dalaga sa larawan.

Subalit sa comment section, makikita ang dalawang posts ni Albie: robot na emoticon at ang salitang “mahal.”

Noong Disyembre lamang ay inamin ni Albie na hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend.

Bagamat siya ang nakipaghiwalay, sinabi ng dating On the Wings of Love actor na hindi madali ang makapag-move on.

Sabi pa niya sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I still love her. I'm still hurt every time I think about her.”

Maging sa isa niyang Instagram post, kapansin-pansin ang pagka-miss ng aktor kay Michelle.

My only Christmas wish is to be with you again.

A photo posted by Albie Casio (@thestallion09) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN