Kylie Padilla is three months pregnant; Aljur Abrenica camp denies breakup

IMAGE Courtesy: Aljur Abrenica

Kumpirmadong buntis ang aktres na si Kylie Padilla at ang ama ng kanyang dinadala ay ang aktor na si Aljur Abrenica. Itinanggi naman ng isang malapit sa aktor ang balitang break na ang dalawang Kapuso stars.


Kumpirmadong buntis ang Kapuso actress na si Kylie Padilla.

Ayon sa pinakahuling impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mula sa iba't ibang sources, tatlong buwan na ang dinadala ng Encantadia star.

Totoo ring ang Kapuso actor na si Aljur Abrenica ang ama ng ipinagbubuntis ni Kylie.

Nagkabalikan ang dalawang Kapuso stars noon lamang September 2016, pagkatapos ng mahigit dalawang taon mula nang mag-break sila.

Read: PEP EXCLUSIVE. Aljur Abrenica confirms rekindled relationship with Kylie Padilla

May lumabas ding balitang nag-break na diumano sina Kylie at Aljur, ngunit mariin itong pinabulaanan ng isang malapit sa Kapuso actor.

"Very much in love" daw ang magkasintahan.

Gayunpaman, nananatiling tikom ang bibig nina Kylie at Aljur mismo tungkol sa mga balitang lumalabas tungkol sa kanila.

Muling sinubukan ng PEP na kunan ng pahayag si Aljur, sa pamamagitan ng text messaging, at si Kylie, sa pamamagitan ng direct messaging (DM) sa Instagram.

At press time ay hindi pa rin sila sumasagot sa aming mga katanungan.

Humingi rin kami ng statement mula sa GMA Corporate Communications ng Kapuso network, kung saan parehong contracts stars sina Kylie at Aljur, pero wala pa rin kaming nakukuhang sagot.

Read: Kylie Padilla embroiled in pregnancy rumors

FANS BOMBARD ALJUR'S IG. Kaugnay ng balitang buntis si Kylie, inuulan ngayon ng pambabatikos ang Instagram account ni Aljur.

Marami sa kanila ang nagagalit sa aktor dahil "idinamay" pa raw nito si Kylie.



Walang sinagot si Aljur alinman sa mga komentong ito.

KYLIE'S HINT? Samantala, sa kanyang Instagram post naman kahapon, January 22, tila may pahiwatig si Kylie tungkol sa kalagayan niya ngayon.

Pinusuan ng 23-year-old actress ang komento ng isa niyang follower tungkol sa balitang nagdadalantao siya.

Komento ni @olehc98:


Ito naman ang naging sagot ni Kylie:


Sa kanya namang Twitter account ay nag-iwan ng makahulugang mensahe ang Kapuso actress:

#KEEPAMIHAN. Samantala, hindi pa rin mapalagay ang loob ng mga masugid na tagasubaybay ng top-rating primetime series na kinabibilangan ni Kylie sa GMA Network, ang Encantadia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-aalala sila sa maaaring sapitin ng karakter ni Kylie, na si Reyna Amihan, sa episode ng show ngayong gabi, January 23.

Usap-usapan na papatayin na ang karakter nito dahil makakasama raw sa kalagayan ng aktres ang fight scenes sa fantaserye.

Kahapon, January 22, trending sa Twitter ang #HuwagSiAmihan bilang panawagan na hindi sana ang karakter ni Kylie ang mamamatay sa digmaan sa Lireo.

Ngayong araw, nasa 5th spot sa Twitter trending topics ang #KeepAmihan, bilang pangangalampag sa produksiyon ng show na sana'y hindi masawi ang karakter ni Kylie sa Encantadia.


Read: Will Kylie Padilla's Amihan character be killed in Encantadia 2016?

Mananatiling bukas ang PEP sa maaaring maging pahayag nina Aljur, Kylie, at ng GMA Network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN