Cesar Montano fondly recalls date with former Miss Universe Dayanara Torres in Pasig River

IMAGE Jojo Gabinete / Dayanara Torres Instagram

Cesar Montano on Dayanara Torres's return to the Philippines: "I'm so happy. Thank you for coming back. You are welcome in our country... Excited ako to see her. Sana magkita kami uli."


Updated ang aktor at Tourism Promotions Board COO na si Cesar Montano sa mga nangyayari sa 65th Miss Universe, kaya alam nitong darating sa Pilipinas si Dayanara Torres.

Si Dayanara, na mula sa Puerto Rico, ang nanalong Miss Universe noong 1993 at naging leading lady niya noon sa Star Cinema movie na Type Kita, Walang Kokontra (1999).


Babalik si Dayanara sa Pilipinas upang maging judge sa Miss Universe 2016.

Pahayag ni Cesar sa pagbabalik-Pilipinas ni Dayanara, “I’m so happy.

“Thank you for coming back. You are welcome in our country.

“Siyempre, gumawa kami ng pelikula noon under Star Cinema, Type Kita, Walang Kokontra.

“Excited ako to see her. Sana magkita kami uli.”

Natawa naman si Cesar nang ipaalaala sa kanya ang pagsisimba nila noon ni Dayanara sa Ermita Church, na pinagpistahan at naging malaking isyu.

“Well, actually, namasyal kami, sumakay kami ng speedboat sa Pasig River.

“Naku, hiyang-hiya ako kaya talagang dapat malinis yun!” sabi ng Department of Tourism official.

Patuloy niya, “Gagawin ko talaga ang paraan para magkaroon ako ng confidence to promote it.

“Lahat ng makikita ko na mali, sasabihin ko na dapat ayusin talaga ito.

“Isa yun sa mga dahilan kaya ginawa ko yung Panaghoy sa Suba [2004] dahil naikuwento na ang Pilipinas mabaho, bulok, maraming ipis, daga…

“Ang alam lang nila na river dito, yung Pasig River na marumi.

“Hindi nila alam na may other rivers sa ibang lugar ng bansa natin na malinis, katulad ng Loboc River, kaya ginawa ko yung Panaghoy sa Suba.”

INTRAMUROS. Marami raw plano si Cesar para maging maganda ang imahe ng Pilipinas sa paningin ng buong mundo.

Kaugnay nito, pinangunahan ng Tourism Promotions Board chief operating officer ang opisyal na pagsisimula ng Intramuros Tourism Fiesta, ang exhibit at bazaar ng mga proudly Filipino product, arts at crafts, novelty items, organic farm produce, at tour packages mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang buwan na idaraos, mula January 23 hanggang February 25, sa kanto ng Manila Cathedral at Palacio del Gobernador ang Intramuros Tourism Fiesta.

Joint project ito ng Department of Tourism, Tourism Promotions Board, Intramuros Administration, at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.

Ayon kay Cesar, bahagi ang Intramuros Tourism Fiesta ng Intramuros Revival Project ng Department of Tourism na may layuning ibalik ang Intramuros bilang top tourist destination.

Saad niya, “Ibinabalik namin ang sigla sa Intramuros.

“As you notice, wala na ngayon yung... halimbawa turista ka, gusto mo manood ng cultural dances, cultural shows. Ibabalik lang namin.

“One month ito and nagpapahanda pa ako for the rest of the year.

“Definitely, yung plano namin, magkaroon ng mass wedding sa Intramuros, sa gitna ng kalsada.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN