Alfred Vargas to marry wife Yasmine Espiritu again at Manila Cathedral

IMAGE Gorgy Rula

Rep. Alfred Vargas on why he and wife Yasmine Espiritu chose to be wed at Manila Cathedral: "The church is very special for her. Parang naalala raw niya ang mga Italian churches dun, e. Tapos nung pumasok siya sa loob, parang ang ganda."


Ngayon pa lang ay planado at napaghandaan na ng actor-politician na si Alfred Vargas ang church wedding nila ng misis niyang si Yasmine Espiritu.

Pahayag ng Quezon City congressman, “Sabi ko kay Yasmine nung nag-civil wedding kami, ‘I’m gonna give you the wedding that you want. Give me time to save.’

“So, ayun, kaya ipon muna, tapos eto na.”

Nakatakda ang church wedding nila sa July 23, 2017, na gaganapin sa Manila Cathedral.

Kaya raw napili nila ang petsang July 23 ay dahil suwerte sa kanila ang 7-23.

Gustung-gusto naman ni Yasmine ang Manila Cathedral dahil parang nasa Italy lang daw ang feeling nito.

Sabi ni Alfred, “The church is very special for her.

“Parang naalala raw niya ang mga Italian churches dun, e.

“Tapos nung pumasok siya sa loob, parang ang ganda.

“Ako naman, bilang ano… siyempre kung ano ang sasabihin ni Misis, yun ang masusunod, di ba?”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alfred sa shooting ng Cinemalaya 2017 entry na Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa.

CHURCH WEDDING. Naikuwento na raw nila sa kanilang dalawang anak na sina Aryana Cassandra at Alexandra Milan ang pagpapakasal nila sa simbahan.

Sabi ni Alfred, “Very excited sila. Naintindihan nila.

“Tumulong nga sila sa preparation, e.” 

Kahit halos siyam na taon na silang nagsasama, at kahit ikinasal sila sa Huwes noong 2010, nandiyan pa rin daw ang excitement nilang mag-asawa dahil iba talaga ang church wedding.

Nakangiting sabi ng aktor, “Feeling nga namin, magdyowa pa rin kami ngayon.

“Alam mo kasi, ang church wedding is a church wedding. Walang katumbas ang pagpapakasal sa simbahan.

“Kasi, kahit saan ka pa ikasal, pero hindi naman church, iba pa rin.”

Dagdag ni Alfred, “So, ito ang napi-feel namin na excited kami.

“Magsu-shoot nga kami ng prenup sa Europe.

“Planado na namin, nagpatahi na siya ng gown, magpi-fitting na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Baka raw sa May ay aalis sila pa-Europe para magbakasyon at doon na nga gagawin ang kanilang prenup pictorial.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN