Benjamin Alves denies he and Julie Anne San Jose have been on for four months

IMAGE Noel Orsal

Benjamin Alves on relationship with Julie Anne San Jose: "Palagi rin niyang sinisiguro kung nakauwi na ko. Maalaga talaga si Julie. Masaya lang, masaya lang na someone's checking if you're doing well."  


Itinanggi ng Kapuso actor na si Benjamin Alves na may apat na buwan na ang relasyon nila ni Julie Anne San Jose.

Ito ay sa kabila ng panunukso ng kanilang Pinulot Ka Lang Sa Lupa co-stars na apat na buwan na silang magkasintahan.

Dagdag pa rito ang hindi inaasahang pag-amin ni Julie Anne sa isang panayam noong Nobyembre na hindi na siya single.

Paliwanag ni Benjamin, “Papunta na ng eight months yung magkakilala [kami ni Julie Anne], yung getting to know each other.

“From the time na nag-usap kami and from the time na una akong bumisita sa bahay nila, yun pala yun.”

Kapansin-pansing iwas si Benjamin nang tanungin kung saan galing ang balitang apat na buwan na silang magkasintahan ni Julie Anne.

“Hindi, hindi… Nag-e-enjoy naman kami, pero huwag muna nating lagyan [ng label],” sabi niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin sa presscon ng bagong Kapuso afternoon soap, ang Pinulot Ka Lang sa Lupa, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center noong Enero 16.

TRAVELING TO GUAM? Dito ay ibinahagi ng 27-year-old actor na pursugido siya sa panunuyo sa pamilya ni Julie Anne.

Mahalaga raw sa dalaga na makilala niya ang mga magulang nito kaya siya talagang nagpupunta sa bahay nito.

Plano rin ba niyang personal na ipakilala si Julie Anne sa mga magulang niya?

Sagot ni Benjamin, “Malaking bagay rin para sa akin yun na makilala rin niya ang parents ko.

“Kaya lang, hindi pa kasi sila umuuwi rito sa Pilipinas.”

Ayon kay Benjamin, posibleng dalhin niya si Julie Anne sa Guam, kung saan naninirahan ang mga magulang ng binata.

“Masyado pang maaga, pero kung mapupunta tayo dun, wala namang sign na hindi mapupunta run.

“Sana makapunta kami ng Guam.

“Pero feeling ko ngayon, masyado pang maaga. There’s no rush, really.”

ON JULIE ANNE BEING "MAALAGA." Sa loob ng walong buwan, ang isa raw sa nadiskubre niyang katangian ni Julie ay ang pagiging maalaga nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano naman siya inaalagaan?

“Sinusubukan niyang magluto ngayon,” nangiti niyang sabi.

Kadalasan, pang-breakfast daw ang niluluto sa kanya ni Julie tulad ng itlog.

Kahit sa set ng kanilang afternoon teleserye ay "maalaga" raw ang aktres.

“Palagi po kaming nasa taping, kapag alam niyang sume-segue po ako sa taping.

"Palagi rin niyang sinisiguro kung nakauwi na ako. Maalaga talaga si Julie."

Iba ang pakiramdam na may nag-aalaga sa kanya ngayon?

“Masaya lang, masaya lang na someone’s checking if you’re doing well,” sabi ng binata.

MORE OPEN. Kapansin-pansing mas naging bukas si Benjamin tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Kung pagbabasehan ang mga nakaraang aktres na naugnay sa kanya, hindi nito lantarang inihahayag sa social media, kumpara sa kanila ni Julie Anne ngayon.

Paliwanag ni Benjamin, “Magaan naman kasi, wala naman kailangang itago. Wala namang kailangang ikahiya.

“And we feel na we’re being respectful naman with each other when we post [on social media].

“We feel na we’re being respectful naman sa parents namin. Wala naman kaming nababangga.

“Yung tao naman, naa-appreciate kung ano ang closeness namin. We feel na masaya naman sila sa journey namin.”

Tinanong din si Benjamin kung nakakatanggap siya ng pambabatikos mula sa mga tagahanga ni Julie Anne na nanggaling sa ilang love teams.

Masasabi kasing ang fan base ng aktres ay kilala sa pagiging “passionate” pagdating sa kung sino ang nararapat na katambal ng aktres.

“They still are,” komento ni Benjamin tungkol sa fans ni Julie Anne.

“Pero that’s okay. Kung ano man po ang masabi nila, okey lang sa akin—whether it’s positive or negative.

“Kung negative, they really fell in love with the love team or whatever the point they have.

“I just make it a point to stay positive this 2017. Do not let social media affect you too much.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit negative ang nababasa mo, don’t let it affect you. Kasi, related sa work namin yun.

“Bilang artista, may mga maririnig kang negative. Okey lang naman po yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN