Ken Chan develops deeper friendship with Barbie Forteza because of Meant To Be

IMAGE Noel Orsal

"Mas naging mas deep yung samahan namin ni Barbie nung nagkatrabaho kami sa Meant To Be, mas nakilala namin ang isa't isa," says Ken Chan about his reunion project with Barbie Forteza.


“Si Barbie ang 'meant to be' [ko].”

Ito ang pabirong sagot ni Ken Chan nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung naghahanap na rin ba siya ng kanyang ka-“meant to be.”

Ayon sa Kapuso actor, wala siyang oras ngayon para sa love life.

Wala, sobrang hindi na kami natutulog dahil sobrang busy namin sa promotions for Meant To Be!” natatawang sabi ni Ken nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na birthday celebration niya, kasama ang mga bata mula sa Child Hope Asia, ngayong Martes, January 24.

Gayunman, natutuwa raw si Ken dahil muli niyang nakatrabaho si Barbie.

Huli silang nagkasama sa teen-oriented show noon ng GMA Network na Tween Hearts.

Pag-alala ng 24-year-old actor, “Alam mo, nagkatrabaho kami ni Barbie sa Tween Hearts, five years na yun.

After nun, hindi na kami nagkatrabaho. Pero naging magkaibigan kami, napanatili namin.

Kahit hindi kami nagkakatrabaho, pero magkaibigan pa rin kami.

Kasi yung iba, kapag nagkatrabaho, pagkatapos hindi na magkaibigan.

Kami ni Barbie, mas naging magkaibigan pa rin.”


Dahil sa muli nilang pagsasama sa isang teleserye, mas naging malalim daw ang pagkakakilala ni Ken kay Barbie.

“Mas naging mas deep yung samahan namin ni Barbie nung nagkatrabaho kami sa Meant To Be, mas nakilala namin ang isa't isa.

Akala namin kilala na namin ang isa't isa noong mga nakaraang mga taon, pero hindi pa pala.

Ngayon, mas nakilala namin ang isa't isa bilang magkaibigan.

"And masaya ako kasi nakatrabaho ko ang isang Barbie Forteza.”

Sa huli, inamin pa ni Ken na dream come true ang muli niyang pakikipagtrabaho sa 19-year-old Kapuso actress.

Nakangiting sabi niya, “I mean, isa sa mga wish ko yun.

Kapag tinatanong ako kung sino ang gusto kong makatrabaho, siya yung sinasagot ko.

E, nagkatotoo, tapos rom-com pa.

"So, masaya ako na nakatrabaho ko siya; sana ganun din siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN