Julie Anne San Jose says her bedroom is off limits to constant visitor Benjamin Alves

IMAGE Noel Orsal

"Hindi naman po tama na papasukin ko si Benj sa kuwarto ko. Magagalit sina Mommy at Daddy. Ngayon kasi he's building a trust between him and my parents. Kaya doon lang siya sa mga lugar sa bahay na puwede siya," said Julie Anne San Jose when asked about where Benjamin Alves stays when he visits her at home. 


Inamin ni Julie Anne San Jose, 22, na madalas siyang bisitahin sa bahay ng napapabalitang boyfriend niyang si Benjamin Alves, 27.

Welcome daw sa kanilang tahanan si Benjamin dahil kilala na ito ng mga magulang ng singer-actress.

Kuwento ni Julie Anne, “We go out on dates ni Benj, pero mas madalas sa bahay lang talaga kami.

“Umiiwas din kami sa masyadong maraming tao. Ayaw din namin masyadong makaagaw ng atensiyon.

“Pareho kasi kami ni Benj na gusto ay yung tahimik lang.

“At least, sa bahay, may privacy—nakakapag-usap kami nang maayos.”

Puwede lang daw si Benjamin sa common areas ng bahay nina Julie Anne; tulad ng living room, dining room, at kitchen.

Off limits daw si Benj sa bedroom ng 22-year-old Kapuso star.

“Opo naman, hindi siya puwede sa room ko. Ano naman ang gagawin niya sa room ko?” natatawang sabi ng dalaga.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa press conference ng GMA-7 afternoon prime teleserye na Pinulot Ka Lang Sa Lupa, na ginanap sa GMA Network Center noong Enero 19.

TRUST. Consistent si Julie Anne sa pagsasabing tiwala ang kanyang mga magulang kay Benjamin.

Aniya, “Hindi naman po tama na papasukin ko si Benj sa kuwarto ko. Magagalit sina Mommy at Daddy.

“Ngayon kasi he’s building a trust between him and my parents. Kaya doon lang siya sa mga lugar sa bahay na puwede siya.”

Sa ngayon, excited si Julie Anne sa araw na makikilala rin niya ang parents ni Benjamin.

Bago kasi mag-Pasko noong nakaraang taon ay naipakilala na ni Julie Anne ang aktor sa buong pamilya niya.

“Based kasi sa Guam ang family niya. But Benj promised na isu-surprise na lang niya ang parents niya sa pag-meet sa akin.

“Pero kilala ko na sila over Skype. I still need to meet them in person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong nakaraang Christmas, may ipinadala akong gift sa kanila noong magbakasyon doon si Benj.”

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Benjamin na darating din ang tamang panahon na personal na makikilala ni Julie Anne ang mga magulang niya.

Read: Benjamin Alves denies he and Julie Anne are on for four months now


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN