Robin Padilla asks ex-girlfriend Vina Morales to be Isabella's godmother

IMAGE @vina_morales / @mabinofficial Instagram

Vina Morales (left, in Filipiniana gown) says yes to being the godmother of Robin Padilla and Mariel Rodriguez's two-month-old daughter Isabella. 


Inihayag ni Robin Padilla na nais niyang kunin si Vina Morales bilang ninang ng anak nila ni Mariel Rodriguez na si Isabella.

Base ito sa palitan ng mensahe nina Robin at Vina sa Instagram kahapon, Enero 23.

Sabi ni Robin: “Ninang ka ha @vina_morales”

Sagot ni Vina: “Wow Bin! I’m touched, salamat sa tiwala. Yes from Ninang Vina.

“Always praying for your family @marieltpadilla @robinhoodpadilla”


Bago ito ay nabahagi si Vina ng larawan nila ni Robin na kuha mula sa dinaluhan nilang selebrasyon sa Malolos, Bulacan.

Kalakip nito ay ang mensahe ng actress-singer na nagsasabing masaya siya para kay Robin ngayong kapiling na nito ang misis na si Mariel at two-month-old daughter ng couple na si Isabella.

“It's always fun singing with you bin @robinhoodpadilla. Walang kupas ang iyong kabaitan, sama na ang kagwapuhan haha. Alam ko yan ang mas gusto mo marinig haha.

“Happy that you're with your family now.”

Naging magkasintahan sina Vina at Robin noong ‘90s, at nanatili silang mabuting magkaibigan hanggang sa kasalukuyan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN