Miho Nishida surprises boyfriend Tommy Esguerra with meaningful gift

IMAGE Noel Orsal / Jojo Gabinete

Miho Nishida on her special gift for boyfriend Tommy Esguerra: "Nagpapasalamat ako sa kanya kasi dahil lagi siya sa tabi ko. Kahit maliliit na things, yung parang unti-unti mong nararamdaman na lumalaki, yun ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya parang naisip ko na ako naman ang magbigay sa kanya ng something kahit ganito man lang."


Nasorpresa si Tommy Esguerra sa red-carpet premiere ng Foolish Love sa Cinema 7 ng SM Megamall kagabi, January 24, dahil hindi niya inaasahang makakatanggap siya ng regalo mula sa kanyang girlfriend na si Miho Nishida.

Ang Foolish Love ng Regal Entertainment, Inc. ang unang movie project together ng real-life lovers kaya naisip ni Miho na bigyan ang kanyang boyfriend ng tatlong klase ng bracelet na may iba’t ibang mga mensahe.

Lahad ni Miho, “Special day namin ito because, siyempre, first movie namin.

“So, parang gusto ko lang siyang bigyan ng kahit isang maliit na things na tatatak na first movie, gusto ko siyang bigyan ng something.

“First movie namin, gusto kong ipag-celebrate.”

Paliwanag pa niya, “Tatlo po kasi yung bracelet na yun— thankful, grateful, blessed.

“Sabi ko sa kanya, ‘Grateful ako dahil meron tayong project together, first movie, meron tayong mga teleserye.

“‘And then, thankful ako kasi nakilala kita at saka nagpapasalamat ako, lagi ka diyan sa tabi ko.

“‘At blessed tayo dahil meron tayong mga blessing na dumarating.’

“That’s why yun ang naisip ko.

“May message kasi may meaning yun isa-isa for me. Parang sa sarili mo na meron siyang meaning.”

Sabi pa ng Pinoy Big Brother 737 winner, “Thankful, nagpapasalamat ako sa kanya kasi dahil lagi siya sa tabi ko.

“Kahit maliliit na things, yung parang unti-unti mong nararamdaman na lumalaki, yun ang nararamdaman ko sa kanya.

“Kaya parang naisip ko na ako naman ang magbigay sa kanya ng something kahit ganito man lang.

“Ayan, naiiyak si Tommy.”

Reaksiyon naman ni Tommy, “Sobrang nagulat ako. I’m like, ‘Ano ‘to?’

“Usually, lagi ako yung nagbibigay ng gift. Nagbibigay ng surprise.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN