Ellen Adarna shows why she and Baste Duterte are "#exgoals"

IMAGE Instagram photo of Baste Duterte by Mark Nicdao

Ellen Adarna on #exgoals video with Baste Duterte: "Dapat ganyan walang bitter. Move on ng masaya. Di na uso ang relationship goals! #exGoals na #throwback feelings."


Bagamat break na sila, nananatiling magkaibigan ang aktres na si Ellen Adarna at ang presidential son na si Baste Duterte.

Pinatunayan ito ni Ellen sa pamamagitan ng Instagram video niya kahapon, January 24, kung saan makikitang kasama niya si Baste.

Ipinost ng Kapamilya actress ang video isang araw matapos niyang aminin sa isang follower na: “Hindi na po kami.”

Read: Ellen Adarna reveals breakup with Baste Duterte: "Hindi na po kami."

Sa caption ng video, sinabi ng Kapamilya actress na uso ngayong 2017 ang "#exgoals."

Ibig sabihin, napapanatili ang pagiging magkaibigan ng mga dating magkasintahan.

Aniya, “Dapat ganyan walang bitter. Move on ng masaya.

“Di na uso ang relationship goals! #exGoals na #throwback feelings malipayong 2017 and let go charooouoot.”

Ti-nag pa ni Ellen si Baste sa mensahe niyang ito sa wikang Bisaya:

“Nasobraan tas ka free spirit @sebastianduterte hahahahhaha mura rag wai mahitabo diba (parang walang mangyayari di ba).

“Mao na kung manguyab mo dapat cool inyung uyabon. (Kaya Kung umibig dapat cool ang inibig mo.)

“Cool ra coolang pa coolookoy #kinsayvictim #victimsoflove diay ka huhhh ahahaha sigi unahay na kinsay magilog! (Sinong makikipag agawan!)”

Bago ito, nag-post din si Ellen ng larawan niyang nakayakap kay Baste, na ang tanging caption ay: “Ul*l ka hahaha”

Ulol ka hahaha

A photo posted by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Ipinost din ni Baste ang parehong larawan, pero wala siyang inilagay na anumang caption maliban sa pag-tag niya sa kilalang photographer na si Mark Nicdao.

@markednicdao

A photo posted by Baste (@sebastianduterte) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN