Benjamin Alves clarifies he and Glaiza de Castro were "really really close" but were never in a relationship

IMAGE Noel Orsal

Benjamin Alves on speculation that Julie Anne San Jose is the reason why things did not work out between him and Glaiza de Castro: "Hindi naman yun totoo, so there's no need [to address it]. Like I've said, I just want to stay positive, at hindi na kailangang i-defend ko si Julie kasi hindi naman totoo."


Diretsahang tinanong si Benjamin Alves kung naging sila ba noon ni Glaiza de Castro.

Sagot ng Kapuso actor, "No. We just really…

"Well, whatever we had, sa amin na lang yun.

"But we were really, really close."

Naging malapit sina Glaiza at Benjamin nang magkatrabaho sila sa dating GMA afternoon soap na Dading noong 2014.

Nang sumunod na taon ay makailang-beses ding naiulat ang tungkol sa pagkakamabutihan ng dalawa.

Ngunit pagsapit ng June 2016 ay kinumpirma ni Glaiza na "hindi nag-click" ang namumuo sanang magandang pagtitinginan nila ni Benjamin.

Read: Glaiza de Castro on real score with Benjamin Alves: "Hindi nag-swak. Hindi nag-click."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin sa presscon ng GMA-7 afternoon soap na Pinulot Ka Lang Sa Lupa, noong Enero 16.

NO NEED TO EXPLAIN. Sa parte ni Benjamin, hindi nito itinangging naging malapit sila noon ni Glaiza.

Sabi ng 27-year-old actor, “Actually, wala akong masasabing hindi maganda kay Glaiza. Napakabait at napakaganda.

“And I’m very happy na from the time when we were a little bit closer than now, yung Encantadia, napunta sa kanya.

“Alam ko na wini-wish niya yun. I’m very happy for her.”

Maayos din daw ang lahat sa pagitan nila ni Glaiza sa kabila ng naudlot nilang pagkakamabutihan noon.

“I think, mukha namang okey. I think, we’re okay," sabi ni Benjamin.

Dahil hindi malinaw ang pagkakalabuan nila ni Glaiza, hindi maiwasang magkaroon ng espekulasyon na ang napapabalitang girlfriend ngayon ni Benjamin na si Julie Anne San Jose ang dahilan.

Paano niya dedepensahan si Julie Anne sa ganoong paniniwala ng iba?

Paliwanag ni Benjamin, “Hindi naman kailangang idepensa.

“Hindi naman yun totoo, so there’s no need [to address it].

“Like I’ve said, I just want to stay positive, at hindi na kailangang i-defend ko si Julie kasi hindi naman totoo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hangga't maaari, ayaw nang pag-usapan ni Benjamin ang nakaraan.

Dugtong ng binata, “2017 na, e. That’s already in the past. Me, just move forward.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN