Marlon Stockinger says it's too early to talk marriage with Pia Wurtzbach

IMAGE Instagram

The picture that tells it all. Last September 2016, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach posted this photo with Marlon Stockinger, who was in New York to visit some friends. They had agreed to meet, and the rest is history. 


Hindi pa raw napag-uusapan nina Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach at car racer Marlon Stockinger ang tungkol sa kasal dahil masyado pang maaga sa kanilang relasyon.

Pahayag ni Marlon sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa late-night talk show na Tonight With Boy Abunda nitong Martes, January 24, “I think we’re just in a relationship at the moment. It’s only the beginning.

“We’ve actually been boyfriend-girlfriend so recently.

"So, I think about this things, like marriage, it’s a bit further down if ever.

“Who knows where we will end up?”

Sabi pa ni Marlon, maging ang kanyang girlfriend ay may commitments pa bilang beauty queen.

“I think it’s just nice to take it day by day without that pressure.

“Pia obviously has her reign and after her reign, she’ll continue to be working and have commitments to things.

"So we’re just taking it slowly."

HOW IT ALL STARTED. Ikinuwento rin ni Marlon kung paano nagsimula ang kanilang love story.

Dati na raw silang magkakilala dahil sa kanilang common friends.

Pero nagsimula raw ang kanilang love story nang pumunta sa New York si Marlon at nagkasundo sila ni Pia na magkita doon.

“That was the beginning of everything in New York,” sabi ng car racer.

September 2016 nang mag-post ng larawan si Pia kasama si Marlon na kuha sa New York.

Marloner ???? @marlonstockinger

A photo posted by Pia Wurtzbach | Miss Universe (@piawurtzbach) on

Noon din nagsimula ang mga usap-usapan na may may namamagitan sa dalawa.

Nakilala na raw ni Marlon ang kapatid ni Pia, subalit hindi pa ang ina ng reigning Miss Universe.

“So far, just the other week, I got to meet her sister Sarah, [her husband] Charlie and [their daughter] Lara.

“The mother, I haven’t met yet, but I look forward to that.”

Sinagot din ng binata ang tanong kung sino sa kanilang dalawa ni Pia ang mas matangkad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “I am taller with or without the heels. I am taller.

“I don’t know where people got this imagination that Pia is taller than me.

“If she’s taller than me, I’ll still like her the same.”

Si Pia ay 5’7” samantalang 5’8” naman si Marlon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN