Martin del Rosario reveals how he wards off indecent proposals

IMAGE Noel Orsal

Martin del Rosario has found the best way to ward off indecent proposals: "Simula pa lang, hindi ko na pinapansin."

 


Naranasan na raw ni Martin del Rosario na makatanggap ng indecent proposal mula sa isang gay na male.

Kuwento ng Kapuso actor, “Meron, sa social media, ganyan, ime-message ka.

“Like, ‘Martin, punta ka dito,’ sa ibang bansa. Parang una show muna, show daw.

“Parang… sexy performance in hotel tapos with politician-politician.

“Nakalagay, ‘Sabihin mo kung magkano ang price mo,’ may mga ganun.

“Hindi ko kilala… hindi ko siya ma-confirm na indecent proposal kasi hindi ko naman nire-reply-an.”

Hindi naman daw gaanong nao-offend si Martin sa mga ganung alok.

Sabi ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa actor, “Hindi naman kasi bastos yung pagkakasabi.

“Meron na sa simula pa lang, ‘Maghuhubad ka’ o yung ‘Punta ka dito, mag-aano tayo!’

“Yung mga ganun, sa simula pa lang, hindi ko na pinapansin.”

Yung iba naman na kunwari ay show muna ang iniaalok sa kanya ay ine-entertain ni Martin sa umpisa.

Aniya, “Bibigay ko pa number ng handler ko.

"Kasi, di ba, as much as possible… awkward yung ikaw ang magsasabi ng presyo mo sa show, so ipinapasa ko sa handler.

“E, kaso, iyon nga, kapag papasa ko sa handler, sasabihin sa aming dalawa na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN