G Tongi questions MTRCB appointment of "sex blogger" Mocha Uson

IMAGE Cyrus Panganiban for YES! / @gtongi on Instagram

Tinawag ni Mocha Uson (kaliwa) na "utak-talangka" ang mga taong ayaw pa ring mag-move on mula sa pagiging sex blogger niya at pagtatalaga sa kanya bilang board member ng MTRCB. Ito ay matapos siyang tawaging "sex blogger" ni G Tongi (kanan) sa isang pulong na dinaluhan ni Sec. Martin Andanar sa Amerika.


Tinawag ni Mocha Uson ang atensiyon ng US-based Pinay actress-turned-talk show host na si G Tongi.

Ito ay pagkatapos ng ilang katanungan ni G tungkol sa katauhan ni Mocha sa meet-and-greet ng mga Pinoy kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa U.S. kamakailan.

Si G ay naroon bilang kinatawan ng LA18, kung saan siya ang host ng programang Kababayan Today.

Tinanong ni G si Andanar kung ano ang kuwalipikasyon ni Mocha para mahirang na board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Tinawag din ng dating aktres na "sex blogger" si Mocha.

Bahagi ng tanong ni G kay Andanar: “I’d like to talk about the Uson Blog, the Mocha Uson Blog.

"So, I saw an interview of yours that said she has qualifications for her new posting in MTRCB.

“Could you elaborate what kind of qualifications she has for this new position, because she is a sex blogger.

"And I’m sorry I don’t feel like… and among with many others, don’t feel that her qualification is enough.”

Sagot ni Andanar, “With Mocha Uson, we all know that Mocha Uson is an entertainer, she’s a singer, she’s a songwriter, and a solid supporter of President Rodrigo Duterte, and one of the biggest bloggers now in town, or in the Philippines with around 4 million followers.

“President Rodrigo Roa Duterte was elected into office because we have the trust and confidence with this president to run our country.

“Mocha Uson is a choice of the President.

"So, para sa akin po, let’s just respect the decision of the President."

Isa namang blogger na nagngangalang Maharlika mula sa Los Angeles ang tumayo at ipinagtanggol si Mocha.

Sinabi niya kay G na may Bachelor’s degree ang lider ng all-female group na Mocha Girls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pasaring naman ni G: “Yeah. Medicine? This is entertainment. Not medicine.”

Pero buwelta ni Maharlika, “Wala pong issue, ang sa akin po dito ay kung meron tayong mga bugok na congressman, na ang iba diyan ay walang qualifications, bakit hindi natin pagbigyan ang isang Mocha Uson na gustong maglingkod sa ating bayan?”

Pinalakpakan ng audience si Maharlika dahil sa kanyang sinabi.

MOCHA REACTS. Nakarating kaagad kay MTRCB board member Mocha ang mga sinabi ni GG.

Gaya ng inaasahan mula kay Mocha, binuweltahan nito si G.

At gaya rin ng inaasahan kapag nanlalaban, nagpaandar ito ng mga salitang mala-kalye.

Idinawit pa nito sa kanyang tirada si Senador Grace Poe, na nakatunggali ni Presidente Rodrigo Duterte sa pagkapangulo.

Sa kanyang Facebook blog, ngayong Miyerkules, January 25, inisa-isa rin ni Mocha kung bakit siya kuwalipikado sa posisyong ibinigay sa kanya ng "aming Pangulo."

Pinasalamatan ni Mocha ang blogger na nagtanggol sa kanya.

Inulit din niya rito na ang lahat ng tao ay may pagkakataong magbago.

Narito ang buong mensahe ni Mocha:

“MAKINIG KA G. TOENGI.

"Maraming nagme-message sa akin patungkol sa video na ito.

"Una sa lahat salamat sa mga tulad ni Mam Maharlika na naninindigan sa gitna ng ilang mga bugok. Tularan natin ang mga ganitong tao.

"Dahil matagal na tayong inapi ng mga matapobreng elitista sa ating bayan. Matagal na nila binusalan ang mga tulad nating walang boses sa bayan na ito.

"MAM SOBRANG NAPAHANGA AKO SA KATAPANGAN NINYO! MABUHAY KA MAHARLIKA!

"At para sayo G. Toengi yung pagtatanong mo ay halatang hindi naghahanap ng sagot kundi bumabatikos sa desisyon ng aming Pangulo.

"Ako na ang sasagot sa bugok mong isip. Ano ba ang qualifications ng isang MTRCB board member? Basahin mo ang PRESIDENTIAL DECREE No. 1986 Section 2

"Section 2. Composition; Qualifications; Benefits. - The BOARD shall be composed of a Chairman, a Vice-Chairman and thirty (30) members, who shall all be appointed by the President of the Philippines. The Chairman, the Vice-Chairman, and the members of the BOARD, shall hold office for a term of one (1) year, unless sooner removed by the President for any cause; Provided, that they shall be eligible for re-appointment after the expiration of their term. If the Chairman, or the Vice-Chairman or any member of the BOARD fails to complete his term, any person appointed to fill the vacancy shall serve only for the unexpired portion of the term of the BOARD Member whom he succeeds.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No person shall be appointed to the BOARD, unless he is a natural-born citizen of the Philippines, not less than twenty-one (21) years of age, and of good moral character and standing in the community; Provided, that in the selection of the members of the BOARD due consideration shall be given to such qualifications as would produce a multi-sectoral combination of expertise in the various areas of motion picture and television; Provided, further, That at least five (5) members of the BOARD shall be members of the Philippine Bar. Provided, finally, that at least fifteen (15) members of the BOARD may come from the movie and television industry to be nominated by legitimate associations representing the various sectors of said industry."

"HONESTLY, I AM NOT COMFORTABLE JUSTIFYING MY QUALIFICATIONS AS MTRCB BOARD MEMBER KAYA LANG MASYADO KANG MAPANGHUSGA.

"I am a Filipino. I am more than 21 years old. I have no criminal record. I WAS a sex blogger. That was 7 years ago.

"Now let me ask you, si GRACE POE ay naging MTRCB Chairman noong panahon ni AQUINO, tama? Ano po ang qualification niya bilang isang Chairman aside from being the daughter of FPJ? Naging artista po ba siya? Naging TV personality ba siya? Naging entertainer ba siya? But I never questioned her appointment as MTRCB CHAIRMAN. Now if you are trying to question my appointment as BOARD MEMBER then why didn't you question the appointed MTRCB CHAIRMAN of AQUINO? Simple answer, MIYEMBRO KA NG MGA BUGOK!

"Oh, sa mga bugok na sasabihing wala akong good moral character and standing in the community-

- 7 years na po akong advocate ng Corridor of Hope (St. Luke's Cancer Institute)
- 3 years honorary board member Dugong Alay, Dugtong Buhay Foundation
- advocate po ako ng VACC (Volunteers Against Crime and Corruption)
- May Malasakit Ambassadress ng DSWD
- Partner sa DUTERTE's Kitchen

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung pagiging sex blogger ko NOON pa rin ang isyu niyo ay wala na akong magagawa sa pag-iisip niyong talangka. Lahat ng tao puwede magbago!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN