Luis Alandy set to marry non-showbiz fiancée in February

IMAGE Nice Print Photography

Luis Alandy on fianceé Joselle Fernandez: "Very cliché, pero yung hinahanap ko na someone to be with, siya yun, e. Very good family values, sobrang bait niya rin, siya na talaga."


Ikakasal na ang aktor na si Luis Alandy, 36, sa kanyang non-showbiz fiance na si Joselle Fernandez, 23, sa susunod na buwan.

Halos dalawang taon silang naging mag-steady hanggang sa nagdesisyon silang gusto na nilang magpakasal.

Sa kuwento ni Luis, nagkakilala sila ni Joselle sa isang event ng gym na pareho nilang pinupuntahan.

Hindi pa man daw niya naiisipang yayain itong magpakasal, ramdam na raw ni Luis na ito ang gusto niyang makasama habambuhay.

Pahayag pa niya, "Oo, e, sobrang parang... very cliche.

“Pero yung hinahanap ko na someone to be with, siya yun, e.

"Very good family values, sobrang bait niya rin, so siya na talaga."

Tubong-Tondo daw si Joselle hanggang lumipat ang pamilya nito sa Sta. Rosa, Laguna.

Sa puntong ito ay napag-usapan ang kanilang wedding plans.

Lahad ni Luis, "Sa Tagaytay kami ikakasal.

"Garden wedding, kasi Christian siya, ako din.

"Mostly non-showbiz ang invited, konti lang sa showbiz.

"Hindi siya engrandeng wedding. Hands-on kami pareho, pero may events organizer naman."

Excited na raw talaga si Luis sa pinakaimportanteng pagbabago sa buhay niya.

“Oo, sobra! Ilang tulog na lang... less than a month na lang."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor sa presscon ng pelikulang Swipe (Now Searching) ng Viva Films noong January 23.

Kasama niya sa pelikulang ito sina Meg Imperial, Alex Medina, at Maria Isabel Lopez.

AGE DOES NOT MATTER. Kahit mahigit sampung taon ang pagitan ng kanilang edad, hindi raw ito naging hadlang sa pag-iibigan nina Luis at Joselle.

Ayon sa aktor na nangingiti, "Hindi namin kami halata na may gap, yun ang biro ko sa kanya.

"Magkasundo naman kami sa lahat ng bagay.

“Sa ugali, hobbies, yung mga likes and dislikes namin, halos pareho.

“So it was easier for us, the adjustment part."

Hindi rin daw naging sagabal ang showbiz career niya sa kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Luis, "Yun din ang isa sa maganda, kasi yung family nila ay very artistic din, e.

“Saan ka makakakita, yung ginawa kong film two years ago, yung Anino sa Likod Ng Buwan na very controversial because of its nudity, biro mo, buong family nila, nanood sila…

"Then she recommended it, kaya she's really very supportive.

"Alam naman niya na ito ang work ko for how many years.

“And she knows naman na I'm very responsible to accept and do films na hindi lang basta-basta.

"Alam niyang namimili ako and she knows my artistic goals naman."

Wala nga raw muna silang honeymoon dahil may gagawing show si Luis sa ABS-CBN right after their wedding.

"Naiintindihan naman niya yung demands ng work ko.

"Ganun din naman ako sa kanya dahil nasa sales siya, e."

Agad-agad ba ang plano nilang magka-baby?

Ayon kay Luis, "Ano muna, enjoy muna kami sa aming dalawa.

"If we are blessed by God na magkaroon, siyempre tatanggapin namin.

"Pero ang ano muna namin is to enjoy each other first.

"Maybe travel together 'cause she loves travelling, gusto niyang maka-travel and see the world.

"So, sabi ko, sige, kasi ako naman, nakailang travels na rin ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN