PEP EXCLUSIVE. Kylie Padilla and Aljur Abrenica confirm they are expecting

IMAGE Mark Atienza

Aljur Abrenica on speaking up about Kylie Padilla's pregnancy and their engagement: "Kaya ako nagsasalita ngayon, ayokong isipin ng anak ko na hindi ko siya ipinaglaban, na puro pagbabatikos lamang ang nakikita niya. Na nangdadamay ako sa career. Na wala akong career ngayon, idinadamay ko yung partner ko."


Kinumpirma mismo nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla na magkakaroon na sila ng anak.

Inamin ito ng Kapuso couple sa eksklusibong panayam sa kanila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Huwebes ng umaga, January 26.

Pagbubunyag pa nina Aljur at Kylie, November 2016 pa lang ay nagli-live in na sila.

Nakatira ang dalawa sa sariling bahay ng aktor sa may Timog Avenue, Quezon City.

Namuhay na silang parang mag-asawa sa iisang bubong, pero hindi raw nila inasahang makakabuo sila agad ng baby.

Sabi ng soon-to-be daddy, “Sa pagsasama namin ni Kylie, naramdaman niya na parang nabuntis siya.

"So, after a couple of weeks, nag-pregnancy test siya, and it’s positive."

Ayon naman kay Kylie, “Actually, before the pregnancy test, alam ko na.

"Kasi very aware ako sa katawan ko."

Pagpapatuloy ni Aljur, “Para ma-sure namin na buntis siya, I insisted na magpa-check-up kami sa OB, sa St. Luke's.


"So, blessing.

“Ayun ang nakakatuwa kasi… masaya, kasi blessing yun, e.

“Sino ba naman ang hindi sasaya na nagkaroon ka ng anak, bilang isang lalaki, sa babaeng mahal na mahal mo?

“Ever since naman, never na ako nagkaroon ng relationship...

"Kasi by that time na nagkahiwalay kami ni Kylie, it wasn’t really paghihiwalay, e.

“Ang separation namin, it’s like time for getting matured.

"Panahon siya para ayusin namin ang sarili namin para mag-mature."

OVERPROTECTIVE FIANCE? Sa isang bahagi ng aming panayam, tinanong ng PEP si Kylie kung handa na ba siyang maging ina.

Tugon niya, “Uhm, in my head, sa alam kong ano yung kailangan para maging ina, feeling ko, handa na.

“Pero alam kong marami pa akong matututunan along the way.

"Pero ngayon, masasabi ko na naiintindihan ko na yung mga magulang ko kung bakit overprotective sila.

"Ayun, nakikita ko siya, overprotective siya," pagtukoy ni Kylie kay Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ng aktres, “Actually, nung nalaman ko pa lang na buntis ako, alam ko na kailangan ko nang mag-mature ng malaking… big leap from where I was.

"'Coz I was pretty rebellious bago pa yun lahat. Sabi ko, 'Unahin mo talaga yung bata.'"

Dinepensahan naman ni Aljur ang sarili sa pagtwag sa kanya ni Kylie na "overprotective."

Saad niya, “Actually, hindi ako overprotective, e. Nasa tama lang ako.

"Kasi yung bata, pag lumabas ‘yan, five years, 10 years, 15 years, 20 years, 25 years from now, hanggang sa nagkaisip ‘yan, nagkakamalay ‘yan, lahat ng bata ay interesado sa love story ng magulang nila.

“So, pag ni-research niya yung tungkol sa amin ni Kylie, kaya ako nagsasalita ngayon, ayokong isipin ng anak ko na hindi ko siya ipinaglaban, na puro pagbabatikos lamang ang nakikita niya.

"Na nangdadamay ako sa career. Na wala akong career ngayon, idinadamay ko yung partner ko."

Ang mga huling tinuran ni Aljur ay ang mga negatibong komento na natatanggap niya sa social media, matapos lumabas ang balita tungkol sa pagbubuntis ni Kylie.

Patuloy niya, "Kaya ako nagsasalita ngayon, kasi gusto ko makita ng anak ko na masaya ako sa existence niya.

"Ipinagmamalaki ko siya, proud ako sa kanya.

“At gusto ko ipakita sa kanya, through this interview, na mahal na mahal ko ang nanay niya, na mahal na mahal ko siya.”


Stories We Are Tracking

Kylie, Aljur finally speak up about engagement, pregnancy
Kylie, Aljur finally speak up about engagement, pregnancy
Kylie Padilla reveals parents' reaction to her pregnancy
Kylie Padilla reveals parents' reaction to her pregnancy
Kylie Padilla and Aljur Abrenica are engaged!
Kylie Padilla and Aljur Abrenica are engaged!
It's confirmed: Kylie Padilla is pregnant
It's confirmed: Kylie Padilla is pregnant


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN