PEP EXCLUSIVE. Aljur Abrenica feels that Kylie Padilla's pregnancy is being used for Encantadia promo

IMAGE Mark Atienza

Ikinasama ng loob ni Aljur Abrenica ang tila pagkakagamit ng pagbubuntis ng nobya niyang si Kylie Padilla sa promo ng show nitong Encantadia. Pahayag ng aktor, "Ayaw ko kasing isipin ng tao na ginagamit namin ni Kylie o sinuman ang sitwasyon niya para mag-promote ng show, which is happening right now."


Ang primetime series na Encantadia raw ang unang naisip ni Kylie Padilla nang makumpirma niyang buntis siya sa anak nila ng nobyong si Aljur Abrenica.

Ginagampanan ni Kylie sa Encantadia ang papel bilang Reyna Amihan, isa sa apat na mga Sang'gre.

Ayon sa Kapuso actress, bagamat gusto na niya talagang magkaanak, inalala raw niya ang kanyang partisipasyon sa kinabibilangang programa nang malaman niyang nagdadalantao siya.

Saad ni Kylie, “A, hati, e. Kasi, gusto kong magka-baby. I was open to adopting even.

“Kasi, gusto ko nang may maalagaan ako, tapos mabubukas ko yung pagmamahal…

"Pero siyempre, nung malaman ko, ang unang pumasok sa isip ko, Encantadia talaga.

"Shinare ko sa kanya ‘yan na, ‘Paano ‘yan, may trabaho pa ako?'" pagtukoy ng aktres kay Aljur.

Patuloy niya, “Yun lang talaga, nahiya pa ako.

"Hindi ko alam kong paano ko sasabihin sa management ko, sa GMA.

"Pero hati nga, e. Kasi masaya ako na may baby na, pero ano din... napaaga."

Sa episode ng Encantadia kagabi, January 26, ay namatay ang karakter ni Kylie bilang Amihan. Ngunit sa teaser ng susunod na episode ay bumangon siya mula sa kanyang pagkahimlay.

Sina Kylie at Aljur ay parehong contract stars ng GMA Network.

Sa panig naman ni Aljur, normal lang daw ang mga paninimbang na ito sa isang babae.

Aniya, “Nature ng babae ‘yan, di ba?

"Kahit hindi natin ‘yan pinaplano, pag dumating ‘yan, instinct ng babae na lumiligaya sila, anak nila.

“Si Kylie, during that time, I thought that she’s happy. Masaya kami.

"And then, may mga troubles lang thinking of these matters—career, projects, management.

“We made sure, I made sure na okay siya.

"Ayun, dinadahan-dahan namin lahat ng steps.

"Nag-ingat kami sa bawat gagawin namin.

"Nung na-sure na namin na she’s pregnant from the OB, that’s the time na kinausap namin yung management."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga pahayag na ito nina Kylie at Aljur ay bahagi pa rin ng exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa engaged couple nitong Huwebes, January 26.


Stories We Are Tracking

Kylie, Aljur finally speak up about engagement, pregnancy
Kylie, Aljur finally speak up about engagement, pregnancy
Kylie Padilla and Aljur Abrenica confirm they are expecting
Kylie Padilla and Aljur Abrenica confirm they are expecting
Kylie Padilla reveals parents' reaction to her pregnancy
Kylie Padilla reveals parents' reaction to her pregnancy

NOT FOR ENCANTADIA PROMO. Sa pagkakataong ito, biglang naging emosyunal si Aljur.
Lahad niya, “Noong kinausap namin ang management, ang sabi nila sa amin, huwag muna daw magsalita.

“Sa mga nagtatanong kung bakit hindi kami nagsasalita, that’s the reason why.

"Kasi ipinagkatiwala namin, kasi we’re just artists.

"Ipinagkatiwala namin ang kalagayan namin, ang career namin sa management, dahil sila ang mas nakakaalam."

Ngunit pakiramdam daw ni Aljur, tila nagagamit ang pagbubuntis ni Kylie sa promo ng kinabibilangan nitong programa.

“Ito, labas ka dito, Mahal..." pasintabi muna niya kay Kylie.

Pagkatapos nito ay inilabas na ni Aljur ang kanyang saloobin.

"Kaya hindi rin ako nagsasalita, ayoko rin kasing gamitin, ayaw ko kasing isipin ng tao na ginagamit namin ni Kylie o sinuman ang sitwasyon niya para mag-promote ng show, which is happening right now.

"I’ve read several articles, di ba? Sadly, nangyayari siya. Ginagamit yung sitwasyon niya, yung pregnancy niya.

"Tapos, sa huli, ipu-promote yung isang show.

"And I’m not really happy about that because that’s my child.

“Yun ang iniiwasan ko."

Patuloy niya, "Sumunod lang ako sa payo ng management na huwag magsalita, and then lumalabas na ‘tong mga rumors.

"Kataku-takot na batikos ang nangyari sa akin, pati rin sa kanya.

"Katakut-takot lahat, so I have to say this.

“Kailangan may mag-defend sa amin, kaya ako nagpa-interview.

"And si Kylie, nai-stress na talaga during that time.

"Nai-stress na si Mahal kasi napi-pressure na siya dahil sa mga rumors."

Sa kabila ng mga batikos na natatanggap nila ngayon, natutuwa sina Aljur at Kylie na may isang fan na nagkomento na hindi pa katapusan ng career ng aktres ang pagbubuntis nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Aljur, “Kailangan ko sabihin ‘to... there’s a fan na nagsasabi na hindi porke't nabuntis, babagsak na yung career.

"That’s unfair. Marami ngang mga babae diyan na hindi nabigyan ng blessing na bata, di ba?

"At minsan, ang bata pa ang nagiging sanhi ng kaligayahan nila.

"And si Kylie, ni-like niya [yung comment]. Ni-like yun ni Kylie.

"Naglagay siya ng heart, kasi hormonal decision din, she’s a mom."

Singit ni Kylie, “Hindi, natuwa ako sa comment niya, kasi totoo naman, e.”

Dagdag ni Aljur, “O, natuwa siya.

"I mean, everyone is against it, andami nilang sinasabi, so natuwa siya."

Ed's Note: Bukas ang PEP sa panig ng pamunuan ng GMA Network at ng produksiyon ng Encantadia sa mga naging pahayag nina Aljur at Kylie sa artikulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN