Watch Now

Miriam Defensor-Santiago to skip second presidential debate

Mar 18, 2016
<p>Contrary to her previous claims that she is cancer-free, Senator Miriam Defensor-Santiago announced that she can't make it to the March 20 presidential debate due to her scheduled international clinical trial for an anti-cancer pill.</p>

Hindi makakadalo sa ikalawang PiliPinas Debates 2016 si Senator Miriam Defensor-Santiago.

Magaganap ang nasabing presidential debate sa Cebu City sa darating na Linggo, March 20.

Ayon sa report ng GMA News Online ngayong araw, March 18, pinili ni Senator Miriam na dumalo sa isang international clinical trial para sa isang bagong gamot na magbibigay lunas sa kanyang karamdaman na cancer.

Sa kanyang pagsali sa clinical trial ay masusubukan niya ang nasabing anti-cancer pill nang walang gagastusin.

Ayon pa kay Senator Miriam, mapapagastos siya ng kalahating milyong kada tatlong Linggo kung hindi siya sumali sa trial.

Paliwanag ng senadora, “I am very sorry to miss out on the debates, but it would be a disservice to the country if I forego the opportunity to get rid of my cancer completely and strengthen myself further to serve the Filipino people."

Dagdag pa niya, hindi magtatagal ang clinical trial kaya’t makadadalo pa rin siya sa huling PiliPinas Debates sa Abril.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STILL NOT CANCER-FREE. Matatandaang ibinunyag ni Santiago noong July 2014 na siya ay may Stage 4 lung cancer.

Gayunpaman, ipinangako niya sa publiko na wala na siyang sakit nang mag-file siya ng certificate of candidacy para sa pagka-Pangulo noong October 16, 2015.

Ito rin ang isa sa naging paksa sa unang presidential debates noong Pebrero.

Sa katunayan, dinaan pa ni Senator Miriam sa biro ang kanyang pahayag tungkol sa kanyang karamdaman.

Aniya, “I was at the height of cancer, stage 4! Stage 4 is the last stage.

"Nag-antay ako mamatay pero hindi ako pinatay ng guardian angel ko, e.”

READ: 20 quotes from the first presidential debate

Sinabi rin niyang hindi dapat maging hadlang ang cancer sa paglilingkod niya sa bayan.

“My only purpose is to serve out the rest of my life.

"I'm only 70 years old. Plus six-year term as president, I would have served my country until 76.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I do not want to spend the next six years lying in bed, feeling sorry for myself,” saad niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Contrary to her previous claims that she is cancer-free, Senator Miriam Defensor-Santiago announced that she can't make it to the March 20 presidential debate due to her scheduled international clinical trial for an anti-cancer pill.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results