Joyce Ching bent on becoming a film director someday

IMAGE Noel Orsal

Joyce Ching wants to be knowledgeable about every aspect of filmmaking, saying, "Gusto ko ring malaman yung technicals kung paano behind the camera. Kasi kami artista... nakikita namin may kanya-kanya silang trabaho. Pero hindi namin talaga alam exactly kung gaano kahirap yung mga ginagawa nila."


Gusto ng Kapuso actress na si Joyce Ching na maging film director balang-araw.

Sa post-birthday celebration para sa ika-22 kaarawan ng Hahamakin Ang Lahat star, sinabi ni Joyce na kahit busy siya sa showbiz commitments, pipilitin niyang makatapos sa kanyang film course.

“Ayun po, hirap na hirap, hikahos pero itinataguyod.

"Third year na po sa Meridian International College sa Taguig, tiyaga talaga at saka sacrifice.

"Pagkatapos ng taping diretso ng school 'tapos taping na naman.

"Yung buong Monday to Friday ko talagang dire-diretso.

“Plus, kapag merong mga homeworks o may kailangang i-shoot, kailangan ko talagang maisingit kahit ano ang mangyari.

“Gusto ko pong maging director or writer, kasi gusto ko ring malaman yung technicals kung paano behind the camera.

“Kasi kami artista, nandiyan sila, nakikita namin may kanya-kanya silang trabaho.

"Pero hindi namin talaga alam exactly kung gaano kahirap yung mga ginagawa nila.”

Bawal daw sa kanya ngayon ang papetiks-petiks sa trabaho at pag-aaral para sa susunod na taon ay makatapos na siya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joyce sa trampoline party na inihanda niya at ng GMA Artist Center para sa kanyang fans, na ginanap sa Jumpyard, Pasig City, noong January 21.



22ND BIRTHDAY. Noong January 5 pa ang 22nd birthday ni Joyce.

Nasa taping daw siya ng Hamamakin Ang Lahat kaya hindi siya nakapag-celebrate nang maayos para sa kanyang mga tagahanga.

Nagkaroon lang daw sila ng simpleng dinner kasama ang kanyang pamilya.

Ano ba ang wish niya noong kaarawan niya?

Tugon niya, “Increase patience at sana mapuno lang ng gratefulness ang heart ko.

"Kasi po, if laging grateful lang ako sa mga nangyayari, mas magiging masaya yung life ko.”


Ngayong 2017 naman daw ay umaasa si Joyce ng more mature roles.

“Inaasahan ko ngayong taon na makapag-shoot na ako ng thesis film ko, una sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, mas magagandang projects pa sa GMA and sana yung susunod kong gagawin, iba ulit sa Hahamakin Ang Lahat.

"Para ma-explore ko lahat ang acting ko.”

Sinorpresa naman si Joyce sa kanyang party with her fans ng ka-love team at ex-boyfriend niyang si Kristoffer Martin.


Sabi ni Joyce tungkol sa kanila ni Kristoffer, “Masayang-masaya kami.

"At saka kami, sobrang happy kami na magkatrabaho sa Hahamakin Ang Lahat.

"Kasi yung mga eksena dun, parang ngayon lang namin ginagawa sa mga career namin.

"Like, nung pagbubuntis, sobrang mature, kaya sobrang happy ako.

"Kasi, Tween Hearts kami, magkasama na.

"Tapos ngayong nag-i-step up na kami, magkakasama pa rin kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN