Vice Ganda hints at identity of current boyfriend: "May serye."

IMAGE Noel Orsal

Vice Ganda on how his boyfriend makes him happy: "Sa mga pinakasimpleng paraan, dyusko, marinig mo lang ang pangalan, masaya ka na, di ba? Mapag-usapan nga lang siya, kahit hindi siya tinutukoy, masaya ka na."


Inamin ni Vice Ganda na masaya siya ngayon at in love.

Sa press conference ng kanyang Valentine concert na Pusuan si Vice Ganda sa Araneta kagabi, January 26, direktang tinanong ang comedian-TV host kung may boyfriend siya ngayon.

“Oo. Ayan, ha! Oo nga!” sagot ni Vice.

Inusisa rin ng entertainment reporters kung ang lalaking tinutukoy niya ay bago o dati na rin niyang nakasama.

Pahapyaw niyang tugon, “Every day naman, bago yung saya. Bago yung ngiti. Bago yung kilig.

“Kasi ang love, hindi naluluma, lagi siyang bago.”

Subalit paglilinaw ni Vice, “Hindi, hindi bago yung boy.

“Dati pa rin, pero hindi niyo kilala.”

CLUES. Hindi lang daw sigurado ang komedyante kung manonood ang kanyang boyfriend sa concert niya sa February 14.

Dito ay hindi sinasadyang nakapagbigay si Vice ng clue sa katauhan ng kanyang boyfriend.

Aniya, “Hindi ko lang alam. Parang sana, huwag.

“Wala lang, ayoko. Ayoko.

“Di ko alam kasi baka may taping din siya…

“May taping siya, charot!”

Nang tuksuhin ng press tungkol sa sinabi niya, buwelta ni Vice:

“Pag nag-taping, artista agad? Hindi ba puwedeng nag-guest lang sa isang talk show?”

Dahil nadulas na rin naman siya, minabuti ng ilang reporters na tanungin kung ano ang initials ng kanyang boyfriend.

Subalit tugon ng It's Showtime host, “Huwag na initials, sasabihin ko na ang pangalan sa concert!”

Nang tanungin kung napag-usapan na ba nila ng kanyang boyfriend ang gagawing pagpapakilala sa kanya sa concert, muli na namang nakapagbitiw ng clue si Vice sa katauhan ng boyfriend.

Sabi niya, “Kaya nga sabi ko, di ba, sana hindi siya manood.

“Sana mangibang-bansa na siya pagkatapos, kaya lang hindi puwede, kasi siyempre, may serye!"

Ayon pa kay Vice, lubos siyang napapasaya ng kanyang inspirasyon.

“Sa mga pinakasimpleng paraan, dyusko, marinig mo lang ang pangalan, masaya ka na, di ba?

“Mapag-usapan nga lang siya, kahit hindi siya tinutukoy, masaya ka na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN