PEP EXCLUSIVE. Kylie Padilla on her pregnancy: "Sorry, napaaga."

IMAGE Mark Atienza

Kylie Padilla on reconciling with fiancé Aljur Abrenica: "Sabi ko, 'Wow, puwede pala 'to, kahit sobrang sakit na ng nakaraan, kaya pa palang gamutin, kaya pala naming mahalin ang isa't isa ulit.' Parang walang nangyari, pero ang dami naming natutunan. May ganun pa rin pala, may love pa rin na ganun."


Mahaba-haba na ang itinatakbo ng relasyon nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Sa loob ng limang taon, mula 2011, ay dumaan sa maraming pagsubok ang kanilang relasyon.

Ilang beses silang nag-break at nagkabalikan. Maliban pa rito ang pagtutol ng ilan sa malalapit sa kanila sa kanilang relasyon.

Hanggang sa ngayong engaged na sila at malapit nang magkaroon ng anak.

Read: PEP LOOKBACK: The Aljur Abrenica-Kylie Padilla love story

Naniniwala ba sila sa kasabihang "Kung para sa ‘yo ay para sa ‘yo talaga"?

Saad ni Kylie, “Naisip ko ‘yan nung nagkabalikan kami, bago pa nangyari yung lahat.

"Yun yung Japan, sabi ko, ‘Wow, puwede pala ‘to, kahit sobrang sakit na ng nakaraan, kaya pa palang gamutin, kaya pala naming mahalin ang isa’t isa ulit.'

“Parang walang nangyari, pero ang dami naming natutunan.

"May ganun pa rin pala, may love pa rin na ganun.”

Sabi naman ni Aljur, wala siyang pinagsisihan sa pinagdaanan ng kanilang relasyon ni Kylie.

Sa puntong ito ay biglang naging emosyunal si Kylie.

Pigil ang luhang saad ng 24-year-old actress, “Although... I’m not saying I’m not really happy about this. I’m happy.

"I just want you to know, gusto kong malaman ng mga tao at GMA na... sorry, napaaga.

“Pero thank you din na naintindihan niyo.

“And sana suportahan niyo kami, kasi kailangan para sa baby.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Kylie at Aljur sa tahanan ng aktor, sa may Quezon City, nitong Huwebes, January 26.

WEDDING PLANS. Sa ngayon, ipagpapaliban daw muna ng engaged couple ang pagpapakasal dahil prayoridad nila ang kanilang paparating na baby.

Sabi ni Aljur, “Dinifer muna namin yung wedding plans kasi, after our [engagement], we’ve been planning about our wedding.

"Pero sini-set aside muna namin yung isa’t isa, kasi may pangatlong tao na darating sa buhay namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dun muna ang focus namin—yung pregnancy, yung health ni Kylie, yung career niya.

“Ang plano namin ay maasikaso na makapagpahinga siya, dahil sa taping, lagi siyang puyat.

"So, ang concern lang namin ay yung kalagayan ng baby at saka ni Kylie."

May mga pinaglilihian ba si Kylie?

Ayon sa aktres, “Ang dami kong pinaglilihian, iba-iba.

"Kapag pinaglihian ko siya ngayon, the next day, masusuka na ako sa pagkain na yun.

"Isipin ko lang, masusuka na ako, yun. So, next, palit nang pilit.

“Minsan naramdaman din niya yung naramdaman ko.

“Ang isa sa mga pinag-aawayan namin ay yung gatas, kasi nasusuka ako dun sa gatas.

"Pero siya talaga, ‘Inumin mo, wala kang choice.’”


Stories We Are Tracking

Kylie, Aljur finally speak up about engagement, pregnancy
Kylie, Aljur finally speak up about engagement, pregnancy
Kylie Padilla reveals parents' reaction to her pregnancy
Kylie Padilla reveals parents' reaction to her pregnancy
Kylie Padilla and Aljur Abrenica confirm they are expecting
Kylie Padilla and Aljur Abrenica confirm they are expecting
Is Kylie's pregnancy being used for <em>Encantadia</em> promo?
Is Kylie's pregnancy being used for Encantadia promo?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN