Glaiza de Castro on Kylie Padilla's engagement: "Deserve niya gumawa ng desisyon na ikakasaya niya."

IMAGE Noel Orsal

Glaiza de Castro is happy for Kylie Padilla's engagement to Aljur Abrenica: "Nagre-reflect naman sa aura niya na masaya siya, so masaya na rin kami."


Suportado ni Glaiza de Castro ang pagbabagong magaganap sa buhay ng Encantadia co-star niyang si Kylie Padilla.

Isa umano si Glaiza sa mga natuwa nang malaman ang tungkol sa engagement nina Kylie at Aljur Abrenica.

Sa amin, noong nalaman namin yung tungkol sa engagement, parang nakakatuwa,” sabi ni Glaiza nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at piling bloggers sa ginanap na post-birthday charity event niya, sa Abierta House of Friendship, kahapon, January 26.

Katuwiran ni Glaiza, “Kasi, ang buhay naman natin, hindi lang tumatakbo sa industriya lang, di ba, hindi naman puro work.

“Kumbaga, mayroon pa rin naman tayong personal na buhay natin na kailangan pa rin nating pangalagaan.”

Kaya naman, para sa kanyang kapatid na sang'gre sa Encantadia, sabi ni Glaiza, “Natutuwa kami na napangalagaan ni Kylie 'yon.

“Deserve niya gumawa ng desisyon na ikakasaya niya.

“Nagre-reflect naman sa aura niya na masaya siya, so masaya na rin kami.”

Peace na raw, sabi ni Sang'gre Pirena!

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on

Samantala, inamin ni Glaiza na sa ilang buwan niyang pakikipagtrabaho sa cast ng GMA telefantasya, naging mas malapit siya sa mga ito, lalo na kina Kylie, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez, na katulad niyang gumaganap ding sang'gre sa programa.

Saad niya, “Yung journey naming mga actors dito, kung paano niyo nakita yung journey ng mga sang'gres onscreen, ganun din.

“At first, parang may ilangan, medyo nagkakapaan pa.

“Tapos, dumating din sa point na talagang naghiwa-hiwalay kami, kasi wala kaming mga eksena together.

“So, kapag magkakasama kami, parang may unfamiliarity.

“Kailangan naming magbuo ng bond ulit.

“Pero nasusundutan naman 'yon kapag may guestings kami, nakakapag-usap kami sa totoong buhay na outside work na.”

Inamin din ni Glaiza na bahagyang emosyunal ang kanilang grupo ngayon dahil sa mga magaganap pa sa takbo ng istorya ng Encantadia.

Aniya, “Alam nila 'to, nararamdaman nila 'to, naging precious ang pagsasama namin ngayon kasi nakita namin yung halaga ng pagsasama namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, yun nga, parang lahat ng cast ay pamilya na sa amin.

“Kaya hindi mo maaalis na malungkot din kahit papaano na baka nga ito na yung huling pagkakataon na magkakasama kami.”

Is Amihan dying tonight on #ParaSaEncantadia? ???????? (screengrab from @gmanetwork)

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN