Xian Lim on breakup of teamup with Kim Chiu: "Of course, meron siyang pros and cons."

IMAGE Noel Orsal

Xian Lim on maintaining regular communication with Kim Chiu amid their individual projects: "Ever since before... Yung trabaho namin and lahat ng ginagawa namin on a personal basis, it doesn't really affect what we do. So we're very supportive of each other."


Iginiit ni Xian Lim na hindi isyu sa kanya ang tila rigodon sa tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson sa upcoming ABS-CBN primetime series na Ikaw Lang Ang Iibigin.

Habang siya ay sandaling makakatambal si Bea Alonzo sa A Love To Last, na kasalukuyang umeere sa primetime ng ABS-CBN.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na si Kim ay dating nobya ni Gerald, habang si Bea ang rumored girlfriend ng actor-triathlete ngayon.

Si Xian ay matagal nang napapabalitang nanliligaw kay Kim.

Sumagi ba ito sa kanyang isip nang tanggapin niya ang A Love To Last?

Sagot ni Xian, “Wala naman. I don’t think that's important at this point."

Ayaw ni Xian magpaapekto sakaling pag-usapan ang ugnayan nilang apat sa tunay na buhay dahil sa ginagawa nilang mga proyekto.

Aniya, “Aside from all that, I think they should focus more on the story.

“Maybe that’s entertaining for them.

“Pero, it’s the casting. We’re playing characters. I think they should see the character more than yung…”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian sa kanyang solo presscon para sa A Love To Last, kung saan gaganap siyang childhood friend na may lihim na pagtingin sa karakter ni Bea Alonzo.

Ginanap ang pocket presscon sa 13th floor ng ABS-CBN ELJ Building, sa Quezon City, nitong Biyernes, Enero 27.

MIXED REACTIONS. October 2016 nang inanunsiyo ng ABS-CBN ang tungkol sa pagbabalik-tambalan ni Kim at ex-boyfriend nitong si Gerald.

Hindi maiwasang magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng ilang tagahanga ng tambalang KimXi (Kim and Xian) at tambalang Kimerald (Kim and Gerald).

Pati silang apat na Kapamilya stars ay nakakatanggap din ng pambabatikos dahil sa iba’t ibang opinyon ng netizens sa social media.

Read: Kim Chiu slams netizen accusing her of getting cozy with ex-boyfriend Gerald Anderson

Sabi ni Xian tungkol sa bashers, “People will always have bad things to say. It’s up to you if you’re gonna let them affect your life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If there’s negative stuff online, don’t pay attention to it. There’s no message to the bashers.”

Sa kabilang banda, naiintindihan daw ni Xian kung bakit dismayado ang fans sa hiwalayan ng kanilang tambalan ni Kim na tumagal ng anim na taon.

Pahayag ni Xian, “Me and Kim, I guess, 2017 hindi po muna kami magkakatrabaho. 

“Of course, meron siyang pros and cons.

“Hindi naman natin maiiwasan na yung sumuporta from 2011, nagulat sila na, ‘Wow. Saan namin kayo makikita?’

"Kumbaga, ‘Ito yung pinundar nating KimXi. Nasaan na?’"

MISSING KIM. Ayon kay Xian, “nami-miss” din niyang makatrabaho at makasama nang halos araw-araw sa taping si Kim.

Pero paliwanag niya, “It’s part of our job to grow. And it’s part of our job na makita kami ng audience namin in different projects.

“At the same time, huwag sila mawalan ng pag-asa… yung mga gusto kaming makita together onscreen.”

Ang mahalaga ay wala raw nagbago sa turingan nila ni Kim pagdating sa personal nilang buhay.

Dagdag ni Xian, regular ang komunikasyon nila ng dalaga sa kasalukuyan.

“Ever since before... Yung trabaho namin and lahat ng ginagawa namin on a personal basis, it doesn’t really affect what we do.

“So we’re very supportive of each other.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN