Steve Harvey arrives in Manila to host 65th Miss Universe

IMAGE Courtesy: Department of Tourism

DOT to Steve Harvey: "We assure everyone that, when you are with Filipinos, we embrace you as family."


Nasa Pilipinas na ang American TV host-comedian na si Steve Harvey.

Dumating siya bandang alas-otso ng umaga, ngayong Sabado, January 28, via Special Flight N626JE.


Si Steve ang host ng 65th Miss Universe na gaganapin sa Mall of Asia Arena, Pasay City, sa Lunes, January 30.

Sinalubong siya sa airport ni Department of Tourism Undersecretary Ricky Alegre at ni Luis ‘Chavit' Singson ng LCS Group of Companies, ang major producer ng international beauty pageant dito sa Pilipinas.


Ayon sa ipinadalang pahayag sa media ni DOT Secretary Corazon Wanda-Teo, “In the tradition of genuine Filipino hospitality, we extend our hand of friendship.

“We assure everyone that, when you are with Filipinos, we embrace you as family.

"We are so happy, honored and proud to have Mr. Harvey in the Philippines."

Sa naunang panayam kay Steve noon, sinabi nitong nais pa rin niyang mag-host ng Miss Universe 2016 na idadaos sa Pilipinas dahil gusto niyang personal na humingi ng paumanhin sa mga Pilipino sa kanyang pagkakamali noong Miss Universe 2015.

Noong Miss Universe 2015, si Miss Colombia Ariadna Gutierrez ang idineklara niyang nanalo, sa halip na ang kandidata ng Pilipinas na si Pia Wurtzbach.

Matagal na rin daw napatawad ni Pia si Harvey kaya naman masaya siyang makakasama muli nito sa darating na Lunes.

Read: Steve Harvey on hosting Miss Universe 2016: "Let's do it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN