DOT clarifies VP Leni Robredo is invited to the Miss Universe coronation

IMAGE Mark Atienza / 65th Miss Universe on Facebook

Nilinaw ng Department of Tourism na na-delay lamang ang pagpapa-deliver ng VIP tickets para kay Vice President Leni Robredo sa 65th Miss Universe na gaganapin sa Lunes, January 30. Tatlong araw bago ng event, wala pang imbitasyon si VP Leni.


Binigyang linaw ng Department of Tourism (DOT), sa pamamagitan ni Secretary Corazon Wanda-Teo, ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na hindi siya imbitado sa 65th Miss Universe grand coronation sa Lunes, January 30.

Kahapon, January 27, natanong ng media si VP Leni kung dadalo ba siya sa coronation night ng Miss Universe na tatlong araw na lang ay idadaos na.

Ang diretsong sagot ni VP Leni ay, "Hindi e. Hindi ako imbitado."

Si VP Leni ay nasa Bulacan ng pagkakataong iyon.

Ngayon, ayon kay Secretary Teo, nagkaroon lang ng delay sa delivery ng tickets para sa bise presidente dahil tinitiyak nilang VIP tickets ang mapunta rito.

Paliwanag niya, "What we have kasi initially are lower-box tickets.

"Yun po ang ipinamigay sa mga cabinet secretaries and other government officials."

Dagdag pa nila, si VP Robredo raw ang isa sa mga nauna sa listahan nilang iimbitahin sa coronation.

Dalawang upuan daw ang nakareserba para sa bise presidente.

“The Department of Tourism would be honored if she will grace the 65th Miss Universe coronation night with her presence,” sabi ni Secretary Teo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN