Sugar Mercado gives update on custody battle against estranged husband

IMAGE Jojo Gabinete

Sugar Mercado on entering into another relationship: "Nag-iisip ako, kahit ligawan, ayoko na rin. Parang pakiramdam ko, pare-pareho lang naman. May nanliligaw naman, pero kalmado lang po. Ayoko na, work na muna, saka kids ko, kasi kulang po talaga ang oras ko sa kanila."


Tuloy pa rin ang pagdinig ng korte sa custody case sa pagitan ng dating SexBomb dancer na si Sugar Mercado at ng kanyang estranged husband na si Kristoffer Jay Go.

Seryoso raw si Sugar na makuha ang full custody ng mga bata, pero ipinahihiram na niya ang dalawang anak sa kanilang ama.

Saad ng dancer-comedienne, “Una sa akin yung kapakanan ng anak ko. Yun ang hindi ko ipinagdadamot.

“Hindi ko iniisip ang sarili ko. Gusto ko yung the best para sa mga anak ko.”

Pero inamin ni Sugar na nakakaramdam pa rin siya ng takot sa tuwing ipinahihiram niya kay Kristoffer ang kanilang dalawang anak, na once a week at tumatagal ng anim hanggang walong oras sa isang araw.

“Natatakot pa rin, pero kasama naman yung kapatid ko kapag ipinahihiram ko po.”

Mayroon din daw kasamang representative ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“May DSWD, saka kasama yung kapatid ko, kaya medyo kampante ako, na hindi ako kabado na ilalayo o dadalhin sa ibang bansa.”

Noong 2015 ay naghain si Sugar ng reklamong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children (VAWC) laban sa kanyang asawa.

Naging biktima raw siya ng paulit-ulit na emosyunal at pisikal na pang-aabuso ng kanyang mister mula 2010.

Pinagbantaan din umano ang kanyang buhay at tinakot na ilalayo ang kanilang mga anak sa kanya.

Ngunit noong 2016, kinasuhan naman siya at ang kanyang ina ng reklamong child abuse ni Kristoffer.

Dahilan upang humingi ng tulong si Sugar, sa pamamagitan ng Facebook Live video na in-upload niya noong July 7, 2016.


Stories We Are Tracking

<p>Sugar Mercado files VAWC complaint against husband</p>

Sugar Mercado files VAWC complaint against husband

Former SexBomb member Sugar Mercado cries for help
Former SexBomb member Sugar Mercado cries for help

Sa kabila nito, unti-unti na raw napapatawad ni Sugar ang asawa at ang pamilya nito.

“Sa tulong ng dasal ko, medyo napapatawad ko na rin sila.

“Pero siyempre, yung mga nagawa nila, may batas tayo para doon.

“Yung akin lang, para lang peaceful ang life, masaya lang, para maasikaso kong mabuti yung pamilya ko po, kaya pinatawad ko na sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sugar nang pormal siyang ipakilala bilang isa sa mga celebrity endorser ng Tatio Active DX Magnified White, Sabado ng gabi, January 28.

Ang nasabing whitening capsule ay produkto ng Tatiomax Pharma Corporation, na pag-aari ng former Streetboys member na si Danilo Barrios at ng misis nitong si Regina Soqueno-Barrios.

CUSTODY BATTLE. Muling naging emosyunal si Sugar nang magkuwento tungkol sa mga bagong development sa custody battle nila ng estranged husband.

Ipinagpapasalamat niya na ibinigay ng korte ang kanyang petisyon para sa Permanent Protection Order (PPO) laban sa asawa.

Saad ni Sugar, “Habambuhay siya na hindi makakalapit sa akin.

“Napakapalad ko at ang bait sa akin ng Diyos dahil sa lahat ng nag-ano... walang nagbigay ng desisyon na ganoon.

“Ako lang ang binigyan ng pagkakataon ng judge. First time po sa Pilipinas na mabigyan ng ganoon.

“Marami nang kaso na ganoon, pero hindi naga-grant.

“Ako po, nakita nila ang ebidensiya lahat.

“Nakita po ng judge na noong una, talagang nanginginig ako.

“Pakiramdam ko, lahat ng lumalapit sa akin, sinusundan ako kasi sa mga nangyari sa akin.

“Pasalamat pa rin ako dahil may batas, kahit mahirap ka.

“Saka yung Gabriela, yun ang tumutulong sa akin, kasi hindi ako nagbabayad ng abogado.

“Ang laki-laki ng tulong na ibinibigay sa akin.”

NERVOUS BREAKDOWN. Nakaranas din daw si Sugar na magkaroon ng nervous breakdown.

“Sobra, naglalagas yung buhok ko sa sobrang stress.

“Yung pinipilit mong mabuhay dahil may anak ka.

“Yun ang pinakamahirap na pinagdaanan ko talaga.

“Yung parang nauupos ka na kandila, pero kailangan mo na pilitin na nakasindi, kasi kawawa yung mga anak mo.”

Patuloy niya, “Mas kawawa sila kapag napunta sila kung kanino, e, alam ko kaya kong ibigay sa kanila yung pagmamahal saka yung magandang-asal habang lumalaki sila.

“Kasi, kahit hindi naman po ako nakapagtapos ng pag-aaral, pero yung pagmamahal, yung itinuro sa akin ng mga magulang ko, yun ‘yong hindi mo siya mababayaran ng kahit na magkano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga po, dumating yung time na ayaw nilang anuhin yung mga anak ko sa pera.

“Sabi ko, alam ko, ako pa rin ang pipiliin ng mga anak ko dahil alam nila kung ano yung isinakripisyo ko.”

ANNULMENT. Bukod sa custody case, ongoing ang annulment case nina Sugar at Kristoffer.

Saad ni Sugar, “Alam niyo po, ngayon ko lang na-realize na parang kaya ko pala yung ganoon.

“Siyempre, first boyfriend ko yung tatay nila, kaya ang hirap.

“Pero ngayon, na-realize ko na, ‘Ay, ganoon pala yun.’ Matututo ka sa lahat ng mga mali na nagawa mo.

“Lahat ng mga maling nagawa mo, ngayon mo nare-realize, kasi nangyari na sa buhay mo at hindi mo na ulit gagawin yun.”

Ang mga nangyari raw sa kanya ang dahilan kung bakit ayaw na niyang pumasok sa isang relasyon.

Sabi ni Sugar, “Nag-iisip ako, kahit ligawan, ayoko na rin. Parang pakiramdam ko, pare-pareho lang naman.

“May nanliligaw naman, pero kalmado lang po.

“Ayoko na, work na muna, saka kids ko, kasi kulang po talaga ang oras ko sa kanila.

“Parang nakukulangan pa ako sa sitwasyon ngayon.”

Hindi ba nagbibigay ng sustento ang kanyang estranged husband sa kanilang mga anak?

Ayon kay Sugar, “Meron naman po, pero hindi talaga sasapat kasi dalawa po sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN