Bianca Manalo calls for support for Maxine Medina: "It's her time to shine!"

IMAGE Rose Garcia

Miss Universe Philippines 2009 Bianca Manalo calls for support for Miss Universe PH bet Maxine Medina: "It's her time to shine. Okey lang na nasa kanya ang lahat ng atensiyon ng mga tao, di ba? At saka, suportahan natin. Hello, she's our candidate now, we have to support her all the way."


Noong 2009, si Bianca Manalo ang naging representative ng Pilipinas sa 58th Miss Universe pageant na ginanap sa Bahamas.

Ngayong dito sa Pilipinas ginaganap ang 65th Miss Universe pageant, nanghihinayang si Bianca dahil wala siyang napuntahang anumang activity ng Miss Universe dahil kararating lang niya mula sa isang buwang bakasyon sa Brazil, kasama ang boyfriend na si Fabio Ide.

“Kararating ko lang, na-miss ko lahat ng events,” sabi ni Bianca nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na birthday/dedication ni Baby Nyke Lee sa Pedro N' Coi, Sta. Lucia East Grand Mall, noong January 24.

Si Baby Nyke Lee ang anak ni Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup at ng asawa nitong si Lloyd Lee.

Ayon pa kay Bianca, “Actually, kami nga ni Venus [Raj], nag-uusap kami, wala kaming naging part sa Miss Universe, wala kaming na-attend-an na event.

“Pero it’s okay, you know.

“Hindi naman porke’t Miss Universe ka, may ganap ka.

“Okey lang yun, hindi naman namin year ngayon.

“Kumbaga, it’s Maxine’s year, it’s her time to shine!

“Okey lang na nasa kanya ang lahat ng atensiyon ng mga tao, di ba?

“At saka, suportahan natin.

“Hello, she’s our candidate now, we have to support her all the way.”

Si Maxine Medina ang kandidata ng Pilipinas ngayong taon.

ROOTING FOR MAXINE. Alam din ni Bianca na may bashers din si Maxine kahit na ito ang kandidata ng Pilipinas.

Pahayag niya tungkol dito, “Well, you cannot please everyone.

“Ako nga, ang sabi ko lang, just enjoy and have fun.

“Manggagaling sa puso niya ang lahat ng gagawin niya, okey na yun.”

Sa palagay niya, malaki ba ang chance ni Maxine na manalo lalo na’t dito sa bansa gaganapin ang pageant?

Sagot ni Bianca, “We’re all hoping for the best.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s so hard to say kasi hindi ko siya nakitang nag-training.

“She’s part of a different camp.

“I’m not really sure how it works with their camp, nakikita ko lang siya sa TV, yun lang.”

RESERVE JUDGMENT FOR PAGEANT NIGHT. Isa sa naging puna kay Maxine ay ang pananalita nito o kung paano siya sumagot sa question-and-answer portion.

Kailan lang, naging kontrobersiyal na naman ito nang sabihing si dating First Lady Imelda Marcos raw ang nag-imbento ng terno.

Pero nilinaw agad ito ni Maxine at sinabing ang pakahulugan niya sa “invented” ay “popularized.”

Pahayag ni Bianca tungkol dito, “Well, they can say what they wanna say.

“But on pageant night itself, that’s the time that we can judge how well will she perform.

“Yun lang yun.

“Siyempre, sabihin na natin lahat-lahat.

“E, paano kung mag back-to-back? E, di pahiya lahat ng bashers, di ba?”

Sa beauty pageant naman daw, madalas unpredictable ang resulta.

“Magugulat ka naman talaga sa result, palaging may shock,” saad niya.

MESSAGE FOR MAXINE. Hiningan din namin ng mensahe si Bianca para sa kapwa niya beauty queen na si Maxine.

Aniya, “Enjoy! Enjoy-in niya.

“Napakasarap ng pakiramdam ngayon.

“Kumbaga, nandito siya, baluarte niya ‘to.

“Nasa ‘yo ‘to, girl! Home court mo ‘to!

“Palung-palo sa kanya lahat. Advantage siya.”

Nakikita ba niya ang edge ni Maxine dahil dito sa bansa ang pageant venue ngayong taon?

“Yes,” mabilis niyang sagot.

“At Philippines pa ang panalo?

“Sobrang advantage na yun. Ang ingay-ingay na yun for her part. Napaka-suwerte.

“Ako, enjoy-in niya lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN