France is crowned Miss Universe 2016!

IMAGE Allan Sancon

Iris Mittenaere of France wins Miss Universe 2016. First runner-up is Raquel Pelissier of Haiti and 2nd runner-up is Andrea Tovar of Colombia.


Si Iris Mittenaere ng France ang kinoronahang Miss Universe 2016 sa grand coronation na ginanap sa Mall of Asia Arena, ngayong Lunes ng umaga, January 30 (Philippine time).

Itinanghal namang 1st runner-up si Raquel Pelissier ng Haiti at 2nd runner-up si Andrea Tovar ng Colombia.

Si Iris, 23, ang ikalawa lamang na Pranses na nanalong Miss Universe.

Ang una ay si Christiane Martel noon pang 1953.


Samantala, nabigo naman ang pambato ng Pilipinas na si Maxine Medina na makamit ang pinakaaasam na back-to-back Miss Universe win.

Pero nakapasok siya sa Top 13 at nakaabot hanggang Top 6.

Pasok din sa Top 13 sina Kenya (Mary Esther Were), Indonesia (Kezia Warouw), USA (Deshauna Barber), Mexico (Kristal Silva), Peru (Valeria Piazza), Panama (Keity Drennan), Canada (Siera Bearchell), Brazil (Raissa Santana), at Thailand (Chalita Suansane),

Matapos ang Swimsuit Competition, inanunsiyo ang Top 9.

Pumasok sa Top 9 sina USA, Thailand, France, Mexico, Kenya, Colombia, Canada, Haiti, at Philippines.

Sumunod ang Evening Gown Competition, kung saan pinili ang Top 6.

Pasok sa Top 6 sina France, Kenya, Colombia, Philippines, Thailand, at Haiti.

Nakaabot sa Top 3 sina Colombia, France, at Haiti para sa Final Question.

Ang mga hurado sa grand coronation ng Miss Universe 2016 ay ang past Miss Universe winners na sina Dayanara Torres (1993), Sushmita Sen (1994), at Leila Lopes (2011); kasama sina Cynthia Bailey (actress/model), Mickey Boardman (editorial director ng Paper magazine), at Francine LeFrak (film, TV, theatrical producer).

Ito ang pangatlong beses na ginanap ang Miss Universe sa Pilipinas.

Una noong 1974 sa Folk Arts Theater, at pangalawa noong 1994 sa Philippine International Convention Center.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN