Maxine Medina not disappointed with Top Six finish in Miss Universe 2016

IMAGE Courtesy: Alex Mertz / MUO

Kahit hindi nakapasok sa Top Three si Maxine Medina, masaya na raw siyang nakaabot sa Top Six. Ang kandidata ng France na si Iris Mittenaere ang kinoronahang Miss Universe 2016.


Ikinadismaya ng maraming Pilipino ang hindi pagkapasok ng pambato nating si Maxine Medina sa Top Three ng 65th Miss Universe.

Umaasa ang marami sa ating mga kababayan na makapasok si Maxine sa Top 3, matapos niyang makaabot sa Top Six, para sa pagkakataong makapag-back to back win ang Pilipinas sa Miss Universe crown.

Ngunit kuntento naman daw ang kandidata ng Pilipinas na nakapasok siya sa Top Six.

Ayon sa ulat ni Maki Pulido para sa Balitanghali ng GMA News TV ngayong tanghali, January 30, hindi disappointed si Maxine sa kanyang naabot.

Masaya raw siya at nakaabot sa Top Six sa pinakaprestihiyosong beauty pageant sa mundo.

Sinabi rin daw ni Maxine na mahirap talaga ang back-to-back win sa Miss Universe.

Ang kinoronahang Miss Universe 2016 ay si Iris Mittenaere ng France.

Read: France is crowned Miss Universe 2016!


Stories We Are Tracking

France is crowned Miss Universe 2016!
France is crowned Miss Universe 2016!
Miss Universe 2016: Who slayed the Q&A among the Top 6?
Miss Universe 2016: Who slayed the Q&A among the Top 6?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN