Ellen Adarna reveals Baste Duterte broke up with her via text

IMAGE Instagram of Ellen Adarna

Ellen Adarna says she and Baste Duterte are better off as friends: "We still are really good friends, we can talk about anything. Sayang naman na maging bitter kami sa isa't isa."

 


Bukas na si Ellen Adarna na pag-usapan ang dating iniiwasang balita tungkol sa naging relasyon nila ng presidential son na si Baste Duterte.

Gaano katagal inabot ang relasyon nila ni Baste bago sila naghiwalay?

“Mga seven or eight months,” nakangiting sagot ni Ellen.

“Actually, hindi naman siya eight months. Miscalculated nga, e... mga seven... less.”

Sila na ba bago pa nag-take ng oath ang ama ni Baste na si Rodrigo Duterte bilang Pangulo ng Pilipinas noong June 2016?

“Ah, nanliligaw… ”

Pinahirapan niya ba niya si Baste?

“I think, kasi ako yung type na ako yung nanliligaw dati.

“Siya kasi, hindi based dito [sa Manila], palagi siyang pumupunta dito.

"Until sinabi niya na, ‘Alam mo bang nililigawan kita?’ So, ayun.”

Nakilala na raw ni Ellen si Pangulong Duterte at alam daw nitong girlfriend siya ni Baste.

“I think, sinabi niya, e,” she said, referring to Baste.

Pero isang beses pa lang daw siyang nakapunta sa Malacaang kasama si Baste.

Magkakakila na ba sila ng Pangulo dati?

Ayon kay Ellen, “Ngayon lang, but yung father ko and the President knew each other.”

Ang ama ni Ellen ay ang negosyanteng si Allan Modesto Adarna, na siyang may-ari ng isang chain of motels sa Cebu, Davao, at Maynila.

Tumangging magbigay ng detalye si Ellen sa naging laman ng pag-uusap nila ni Pangulong Duterte.

“Sa amin na lang yun.”

Gaano katagal ang pag-uusap nila ng Pangulo?

“Dinner.”

Considering na aprubado ni Pangulong Duterte ang relasyon nila noon ni Baste, pabor din ba ang pamilya ni Ellen sa presidential son?

Tugon niya, “Hindi naman nakikialam ang family ko sa personal choices ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ellen sa solo presscon niya para sa pelikulang Moonlight Over Baler, kahapon, January 29.

WEIRD BREAKUP. Bago raw mag-Pasko nitong nakaraang holiday season nag-break sina Ellen at Baste.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumanggi si Ellen na sabihin ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Baste.

“Amin na lang yun, baka patayin niya ako,” sabi ng Kapamilya sexy star.

Sino ang nag-initiate ng breakup nila?

Ayon kay Ellen, “It was a very weird breakup.

"Instead of parang girlfriend na 'Good morning,' ganyan-ganyan, ang text niya, 'Ano kaya kung maghiwalay tayo?'

"Question mark. Siya ang nagsabi.

"And then, ayun, hindi na kami nag-usap."

Nagulat ba si Ellen?

“Actually, hindi ako na-shock,” sagot ni Ellen.

Marami ba silang hindi napagkakasunduan kaya nagdesisyon silang maghiwalay?

Tugon ni Ellen, “Hindi. Actually, nagkakasundo talaga kami ni Baste.

"He is like my best friend na he can talk to me about anything, and I can talk to him about anything also.

“May time na naghiwalay kami na hindi kami nag-usap.

"Yes, it’s part of the process, may ganun.

"Hindi kami nag-uusap, and then after New Year, we spoke..."

Patuloy niya, "Kasi ang dami pa niyang gamit sa bahay e. Yung surfboard niya, nasa bahay.

"Marami pa siyang gamit sa bahay.

“Actually, nong nagpunta siya sa bahay, hindi ko siya nakita, kasi tulog ako.

"Pumunta siya sa second day, hindi kami nagkita, kasi tulog ako, may trabaho ako.

"Late na kasi siyang pumunta.

“And then, last week lang, nagkita kami, magkasama with friends.

"Okey na. Okey na talaga, friends na lang talaga kami."

Ang tinutukoy ni Ellen na pagkikita nila ni Baste ay ang ipinost niyang video nilang dalawa na kuha sa bahay ng aktres at ang selfie photo nila na may caption na “Ulol ka hahaha.”

IN LOVE WITH BASTE. May chance bang magkabalikan sila ni Baste?

Sagot ng 28-year-old actress, “Sa ngayon, parang wala, we’re just really better off as friends.”

Na-in love ba siya nang husto sa anak ni Pangulong Duterte?

Pag-amin ni Ellen, “I was, very... But now? I have moved on. I have accepted things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi para sa akin, we're still both very young. He wants to do a lot of things.”

Puwede bang oras ang rason ng breakup nila?

“No naman, it’s not oras.

"Nagkakasundo kami, but we have issues…

"But I don’t wanna share it, sa amin lang yun."

Bakit inamin niyang nag-break sila, gayong hindi naman niya kailanman kinumpira ang relasyon dati?

Paliwanag ni Ellen, “Because... ano ba? Dati kasi, ang daming ano...

"Parang iwas ano na lang... Iwas-tsismis. Iwas-gulo.

"And it’s better na parang kami na lang dalawa, na kami na lang ang may alam, and some friends and yung mga close friends namin, para walang masyadong gulo.”

Ibinunyag din ni Ellen na pang-siyam si Baste sa mga naging boyfriend niya.

Maliban kay Baste ay wala raw naging boyfriend si Ellen na celebrity.

Will she fall for someone from showbiz?

“Yeah, why not? Kung magkakasundo,” tugon niya.

Yung sa kanila raw ni Ejay Falcon ay hindi natuloy.

“We went out for a couple of days, but hindi.”

SOCIABLE AGAIN. Sa Instagram posts ni Ellen, kung saan nagpu-post siya ng mga larawan at video kasama si Baste, minsan ay tila naghihimutok siya o tila gusto na niyang mag-move on na parang hindi.

Paliwanag niya tungkol dito, “Well, nung last na talaga, kasi ilang beses kaming naghiwalay, yung final na.

“Yung ngayon na, madali na… hindi ako ganung nahirapan.”

Sinabi rin ni Ellen na kailangang magpaganda siya at lumabas muli.

“Kasi matagal akong naging hermit before pa Baste.

“Mga two years na ayaw kong lumabas, makakita ng tao.

“Ayaw ko nang maka-meet ng mga tao, ayaw kong mag-socialize.”

Yung breakup nila ni Baste ang dahilan kaya gusto niyang maglalabas ulit?

“Hindi naman din sa kanya. Gusto ko lang maka-meet ng new people, meet new friends.”

Magkaibigan pa rin sila ni Baste?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, magkasama kami… wala pang one week, we still are really good friends.

“Kasi we can talk about anything, sayang naman na maging bitter kami sa isa’t isa.”

Handa na ba si Ellen makipag-date ulit, lalo na ngayong malapit na ang Valentine's?

Tugon niya, “I’m open. Hindi naman ako naghahanap talaga, but, yeah.”

Puwede rin kayang si Baste ang maka-date niya?

Natatawang sagot ni Ellen, “Hindi!

"Okey lang ako as friends, kasama ang buong barkada...

"Actually, okey lang, wala akong pakialam.”

Bakit parang napakabilis para sa kanya ang mag-move on?

“Mabilis akong makapag-move on kasi talent ko 'yan,” sagot ni Ellen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN