Maxine Medina on her Miss Universe bid: "Happy na ako, at least Top 6."

IMAGE Instagram photo of Maxin (maine)/Gabby Libarios for YES! (inset)

Maxine Medina on her Miss Universe journey: "Happy na ako, at least Top 6. Na-represent ko ang Philippines nang maganda and with my full performance. One hundred percent, naibigay ko na."


Hindi napigilan ni Miss Universe-Philippines Maxine Medina ang maiyak nang magkita sila ng kaibigan niyang si Miss Grand International 2016 1st runner-up Nicole Cordoves matapos ang grand coronation ng Miss Universe 2016 kaninang umaga, January 30.

Namataan ng YES! magazine writer na si Gabby Libarios ang isang emosyunal na Maxine habang yakap-yakap ang kapwa niya beauty queen sa loob ng S Maison, sa Pasay City.

Maxine Medina could barely contain her emotions when she saw her fellow Binibini, Nicole Cordoves

A photo posted by YES! Magazine (@yes_magazine) on

Bagamat hindi nakapasok sa Top 3, kuntento na raw si Maxine sa naging resulta ng kanyang pakikilahok sa Miss Universe.

Kabilang si Maxine sa anim na finalists na sumailalim sa question-and-answer round. Ngunit hindi na siya pinalad makapasok sa sumunod na round matapos nito.

Sa panayam ni Aubrey Carampel ng 24 Oras, na ipinalabas ngayong gabi, sinabi ni Maxine na masaya siya sa naging karanasan niya sa Miss Universe.

"Happy na ako, at least Top 6.

"Na-represent ko ang Philippines nang maganda and with my full performance.

"One hundred percent, naibigay ko na," nakangiting sabi ni Maxine.

Ngayong tapos na ang kanyang trabaho bilang Philippine representative sa Miss Universe, magbabakasyon daw si Maxine kasama ang kanyang boyfriend na si Marx Topacio.

Aniya, “Pinag-usapan talaga namin 'yon, win or lose, magtra-travel kami.”

Congratulations, @maxine_medina, for making it to Top 6 finalists in #MissUniverse. ????

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN