Gloria Diaz on Maxine Medina's Top 6 finish at Miss Universe 2016: "I think she did perfect!"

IMAGE Instagram

Miss Universe 1969 Gloria Diaz on Maxine Medina's performance at the Miss Universe 2016 pageant: "I think she did perfect! Ang galing-galing niya. Actually, while I was watching, ako ang ninenerbiyos. Ang lamig-lamig ng kamay ko."


Masaya si Miss Universe 1969 Gloria Diaz sa Top 6 finish ng pambato ng Pilipinas sa 65th Miss Universe na si Maxine Medina.

Isa si Gloria sa mga nanood ng Miss Universe 2016 sa Mall of Asia Arena.

Sa panayam ni Jessica Soho ng GMA News, tinanong si Gloria kung ano ang masasabi niya sa naging performance ni Maxine sa Miss Universe 2016.

Sagot ng kauna-unahang Pinay Miss Universe, "I think she did perfect! Ang galing-galing niya.

"Actually, while I was watching, ako ang ninenerbiyos. Ang lamig-lamig ng kamay ko."

Dagdag pa niya, "But, you know, this is our country.

"You have to just wish that everybody was happy. Everybody was safe.

"Yun ang pinakaimportante."

Bago ang grand coronation ng Miss Universe 2016, nabatikos nang husto si Gloria dahil sa pahayag niyang "one in a million" ang tiyansa ni Maxine na masungkit ang back-to-back win para sa Pilipinas.

Isa pa, mahirap daw makuha ang titulo kapag nasa host country ang isang kandidata.

Read: Gloria Diaz says Maxine Medina winning Miss Universe "not politically correct"

Pagkatapos ng pageant, may mensahe si Gloria sa bashers niya: "O, di ba, tama ako?"

MARGIE MORAN. Nanood din nang live sa MOA Arena si Miss Universe 1973 Margie Moran.

Sa panayam din ni Jessica Soho, sinabi ni Margie na sana raw ay nagsalita ng Tagalog si Maxine sa question-and-answer portion nang nakapasok ito sa Top 6.

Pahayag ng second Pinay Miss Universe, "She did the best she could.

"To me, sana nag-answer na lang siya sa Tagalog.

"I think she would've been more comfortable because di siya nag-interpreter."

Si Maxine ang kauna-unahang kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe na gumamit ng interpreter, pero hindi rin siya nagsalita ng Filipino language sa kanyang kasagutan.

Gayunpaman, ipinagbunyi pa rin ng ating mga kababayan ang kanyang pagkapasok sa Top 6.

Ang kandidata mula sa France na si Iris Mittenaere ang kinoronahang Miss Universe 2016 sa coronation ng pageant na ginanap sa Mall of Asia Arena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: France is crowned Miss Universe 2016!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN