Michelle Van Eimeren calls Regine Velasquez "the BESTEST stepmun ever"

IMAGE Photos from Regine and Michelle's IG

Regine Velasquez (left) posts a photo of stepdaughter Leila Alcasid on Instagram; Michelle Van Eimeren (right) comments that the Asia's Songbird is the "BESTEST stepmum ever." 


Para kay former Miss Australia Michelle Van Eimeren, ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang "the BESTEST stepmun ever."

Si Michelle ang ex-wife ng singer-comedian na si Ogie Alcasid, na asawa na ngayon ni Regine.

Nasa Pilipinas ngayon ang panganay na anak nina Michelle at Ogie na si Leila Alcasid, na nakatira kasama ang kanyang ama at ang stepmother niyang si Regine.

Noong January 30 ay nag-post si Regine sa Instagram ng larawan ni Leila.

Caption dito ng singer-actress: “Our very own Ms Universe soooo beautiful!!!!”

Ginanap kasi noong araw na iyon ang 65th Miss Universe.

Our very own Ms Universe ???? soooo beautiful!!!! @ogiealcasid @leilalcasid @michellevaneimeren @sarahalcasid

A photo posted by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

Ilang netizens ang nag-comment na si Leila ang susunod na beauty queen, kagaya ng kanyang ina.

Si Michelle ang naging kandidata ng Australia sa Miss Universe 1994, na ginanap noon dito sa Pilipinas.

Dahil sa Miss Universe 1994 kaya nagkakilala sina Ogie at Michelle, na humantong sa pag-iibigan at kasalan.

Sagot naman ni Leila rito: “Noo way!! Too kind.”


Nagkomento din si Regine at sinabing, para sa kanila, isang beauty queen si Leila.


Nagustuhan naman ni Michelle ang post ni Regine at sinabi nitong "BESTEST stepmum ever" ang Asia's Songbird.


Bukod kay Leila, may isa pang anak na babae sina Ogie at Michelle; si Sarah, 17.

May isa namang anak sina Ogie at Regine, si Nate.

OPEN TO JOINING SHOWBIZ. Samantala, guest si Leila sa show ni Regine na Sarap Diva ng GMA Network noong Sabado, January 28.

Tinanong ang dalagang anak ni Ogie kung open ba siyang pasukin ang showbiz.

“Puwede,” sagot ni Leila.

Bukas din daw siyang subukan ang lahat ng genre.

“I’m interested in trying everything, but I like drama.”


Nang kumustahin naman ang kanyang pananatili sa Pilipinas, dalawang linggo mula nang siya ay dumating mula sa Australia, sabi ni Leila, “I’m loving it. I’m really liking it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I liking spending time with Nate. We play with airplanes a lot.

“I haven’t really gone to do much because I’m in settling, but I’m looking forward to doing more, like visiting places and stuff like that.”

Nakatakda pumunta ng Boracay ang pamilya Alcasid ngayong Marso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN