Sushmita Sen says Maxine Medina was "under a lot of pressure"

IMAGE Courtesy: Danny Pata of GMA News Online

Sinabi ni Miss Universe 1994 Sushmita Sen (kaliwa) na sana ay nag-Pilipino na lamang si Miss Philippines Maxine Medina (kanan), sa question-and-answer portion ng Miss Universe 2016, na ginanap sa MOA Arena kahapon, January 30.


Naiintindihan ni Miss Universe 1994 Sushmita Sen ang sobrang pressure na naramdaman ni Maxine Medina bilang kinatawan ng Pilipinas sa 65th Miss Universe.

Umabot hanggang Top 6 si Maxine, ngunit na-eliminate pagkatapos ng Question-and-Answer Competition.

Isa si Sushmita sa naging hurado sa grand coronation ng Miss Universe 2016, na ginanap sa MOA Arena nitong Lunes, January 30.

Ayon kay Sushmita, bukod sa inaasam-asam na back-to-back win ng Pilipinas, nakadagdag pa sa pressure na naramdaman ni Maxine ang hiyawan ng mga Pinoy sa loob ng venue.

Pahayag ng former Miss Universe sa panayam ng ABS-CBN News, “You have to understand that Maxine was under a lot of pressure.

"I could see the pressure, because every time she walked onto stage, Philippines just erupted at the stadium.

"That will be a beautiful memory for her."

Sinabi rin ng kauna-unahang Miss Universe mula sa India na sana ay nag-Filipino na lang si Maxine sa Q&A.

Bagamat gumamit ng interpreter si Maxine, sa wikang Ingles pa rin niya sinabi ang kanyang kasagutan.

Ganunpaman, nakikita raw ni Sushmita na malayo pa ang mararating ni Maxine.

Aniya, “I remember Charlene’s beauty.

"That to me is the Filipino beauty. It has come such a long way.

"Pia is international and Maxine has the potential.

"She will make the Philippines very proud.”

Ang Charlene na tinutukoy ni Sushmita ay si Charlene Gonzalez, ang kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe 1994, na idinaos din sa Pilipinas.

Si Pia Wurtzbach naman ang pangatlong Miss Universe ng Pilipinas.


Stories We Are Tracking

Maxine Medina bows out of Miss U competition after Q&A
Maxine Medina bows out of Miss U competition after Q&A
Miss Universe 2016: Who slayed the Q&A among the Top 6?
Miss Universe 2016: Who slayed the Q&A among the Top 6?
France is crowned Miss Universe 2016!
France is crowned Miss Universe 2016!
Maxine Medina congratulated for her
Maxine Medina congratulated for her "stellar performance"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN