How will Annabelle Rama and Ethel Booba answer Miss Universe question?

IMAGE Screengrab from GGV (Ethel)/Noel Orsal (Annabelle)

Ethel Booba (left) on negative reactions to Maxine Medina's (not in photo) answer during Q&A of Miss Universe: "Dami nagmaasim na mas magaling sagot nila kay Maxine. Kung kayo ang lumaban baka nga di pa kayo umabot sa Q&A. Charot!"


Umani ng iba't ibang reaksiyon ang naging kasagutan ni Maxine Medina sa unang question-and-answer round ng 65th Miss Universe kahapon, January 30.

Marami ang nadismaya kay Maxine dahil ginamit pa rin niya ang wikang Ingles sa kabila ng pagkakaroon niya ng interpreter sa Q&A round para sa Top 6 finalists.

Read: Miss Universe 2016: Who slayed the Q&A among the Top 6?

Kabilang sa mga nadismaya ang talent manager at celebrity mom na si Annabelle Rama, na personal na nanood ng Miss Universe sa Mall of Asia Arena, sa Pasay City.

Sa panayam ng GMA News, sinabi ni Annabelle na kung siya ang nasa sitwasyon ni Maxine, sasagutin niya ang tanong sa dayalektong Bisaya.

“Kasi mali siya, e. Nag-interpreter, tapos hindi naman niya ginamit.

“Nag-Ingles-Ingles siya, mali-mali pa.

“Kung ako nakasali dyan, Bisayain ko lahat sila,” sabi ni Annabelle, na mula sa lalawigan ng Cebu.

Samantala, idinaan naman ng comedienne na si Ethel Booba sa biro ang kanyang reaksiyon sa tanong para kay Maxine Medina na: "What is the most significant change you've seen in the world in the last 10 years?"

Nang di palarin si Maxine na mapabilang sa Top 3 finalists, isa si Ethel sa mga nagtanggol dito laban sa mga basher.

Pero pabiro pa rin niya itong ginawa sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

Nagpasalamat din si Ethel kay Maxine sa ipinakita nitong laban sa Miss Universe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN