Former Pangasinan Rep. Rachel Arenas is new MTCRB chairperson

IMAGE Facebook of Rachel Arenas

Itinalaga ng Malacañang si Rachel Arenas, anak ng socialite na si Baby Arenas, bilang bagong tagapamuno ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). 


Si dating Pangasinan Third District Representative Rachel Arenas ang bagong chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Si Rachel ay anak ng socialite at dati ring kongresistang si Rosemarie "Baby" Arenas, na may personal na kaugnayan kay dating Presidente Fidel V. Ramos.

Papalitan ni Rachel sa MTRCB si Atty. Eugenio "Toto" Villareal.

Pinirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang appointment ni Rachel noong January 20.

Magtatapos ang kanyang termino sa September 30, 2017.

Aprubado naman ni Senator Grace Poe ang pagkakahirang kay Arenas bilang bagong MTRCB chairperson.

Si Poe ay dating nanungkulan bilang chairman ng ahensiya.

Ayon sa statement ni Poe, “I welcome the President’s appointment of former Pangasinan Rep. Rachel Arenas as the new MTRCB chair.

"I am confident that she will ably lead the agency towards continuity in the fulfillment of its goal of intelligent and discerning viewership.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN