Robi Domingo speaks up about rumored breakup with Gretchen Ho

IMAGE Instagram (@gretchenho)

Robi Domingo (left) did not directly answer rumors that he and girlfriend Gretchen Ho (right) have broken up. The TV host said that they are "okay" and that he will address the issue at the right time. 


Nagsalita na si Robi Domingo hinggil sa maugong na balitang hiwalay na umano sila ng kanyang girlfriend na si Gretchen Ho.

Ngunit hindi pa rin diretsahang sinagot ng Pinoy Big Brother host ang isyu tungkol sa kanila ni Gretchen.

We are okay,” maiksing sagot ni Robi sa interview sa kanya ng Tonight With Boy Abunda na umere nitong Martes, January 31.

Dugtong niya, hindi pa ito ang tamang panahon para sagutin ang isyu.

"Siguro masasagot ko 'yan in the coming days, coming weeks, pero as of now, we are okay."

Samantala, nakaabot na rin sa netizens ang rumored breakup nina Robi at Gretchen, base na rin sa mga komento sa Instagram post ng volleyball player turned TV host.

Marami sa mga ito ang nagtatanong kung hiwalay na nga ba sila ni Robi.

Ngunit walang sagot dito si Gretchen.



May iba namang binigyan ng kulay ang pag-akyat sa bundok ni Gretchen, na anila ay tila isang paraan para mag-move on.

Nagsimulang mag-date sina Robi at Gretchen noong 2012 at kinumpirma ni Gretchen ang relasyon nila ni Robi noong 2013.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN